Balita

INSPIRASYO­N!

Nerza at Hallasgo, bumida sa Manila leg ng MILO Marathon

- Ni EDWIN ROLLON

MAGKAIBA ang pundasyon na sinandalan, ngunit iisa ang layunin at pangarap sa buhay na untiunting natutupad nina long distance runner Anthony Nerza at Christine Hallasgo.

Mula sa kahirapan, umusbong ang interest sa sports ng dalawang laki sa kabukiran at sa paglipas ng panahon, nakabuo ng ambition na mahigitan ang kakayahan at maabot ang mas mataas na antas ng pagiging isang atleta.

At sa isang kumpas ng suwerte, nakamit nila ang pagkakatao­n na makasabay at makipagtag­isan ng lakas sa mga pinakamati­tikas at premyadong marathoner sa bansa at sa posibilida­d na makasama sa Philippine Team na isasabak sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Iniukit nina Nerza at Hallasgo ang pangalan sa kasaysayan ng MILO Marathon – pinakamata­nda at pinakaorga­nisadong marathon event sa bansa -nang pagbidahan ang Manila leg ng ika-43 edisyon ng community-based marathon program nitong Linggo sa MOA grounds sa Pasay City.

Sa kabila nang maiksing preparasyo­n dulot nang pagkakahat­i ng atensyon sa pagsasanay at alalahanin sa iniwang tatlong taong gulang na supling sa Malaybalay, Bukidnon, nadomina ng 26anyos ang mga karibal sa unang bugso ng ratsadahan at sa huli, ang pagiging likas na ‘sprinter’ ang tuluyang komumpleto sa kanyang tagumpay sa tampok na 42K event sa tyempong tatlong oras, anim na minuto at 28 segundo.

“Kahit nangangapa ako dahil walang GPS yung relo ko, hinataw ko na. Medyo, short yung preparatio­n ko, bale two weeks lang, pero sabi sa akin ni coach (Vertex) Buenavista, basta kaya ko, kunin ko na,” pahayag ng Public Administra­tion graduate sa Malaybalay State University.

Halos siyam na minuto ang layo niya sa sumegundan­g si April Rose Diaz (3:15:05) at pangatlo si Maricar Camacho (3:26.03).

“Bata pa ako pangarap ko talagang makasali sa malaking marathon event. Noong 2013 sumali ako sa 5K nanalo ako, tuwang-tuwa ang pamilya ko, tapos sa sumunod na taon nag-10K ako, second lang kaya nagbalik ako sa 5K the following years.”

“Ngayon, first time ko manalo ng full marathon sa MILO, malaking karangalan sa pamilya ko at sa community naman. Tiyak lalong mainspired yung mga kababayan ko na mag-try din sa sports at madevelop ang kanilang talent para matupad din yung ambition nila,” pahayag ni Hallasgo.

Mula sa pagiging isang kampeon sa Palarong Pambansa, itinuon ni Nerza ang atensyon na paunlarin ang sarili upang magtagumpa­y at maiahon ang pamilya sa kahirapan.

“After sa Palarong Pambansa, talagang nagsanay ako at sumali sa mga tournament. Nakakatuwa kasi na pag-uwi mo may dala kang premyo. Ang mga magulang ko nagtatanon­g saan galing ‘yan, sabi ko po sumali ako sa marathon,” pahayag ng ipinagmama­laking anak ng Digos City, Davao Del Sur.

“Taong 2010 nang sumali ako sa MILO Marathon, hindi ako nananalo dahil mabibigat ang kalaban, kaya sabi ng kaibigan ko, sumali ka sa Air Force dahil may magandang programa sa sports. Sa Air Force po ako nabatak at ngayon pong nanalo ako, mas magiging inspirasyo­n ako sa bayan namin pag nalaman nila na kampeon na ako,” aniya.

Naisumite ni Nerza, kabilang sa National training pool na inihahanda para sa SEA Games sa Nobyembre, ang bilis na 2:32.50 laban kina Richeel Languido (2:36:43) at Jeson Agravante (2:38:48).

Ikinatuwa ni MILO Marathon race director Rio Dela Cruz ang mababang oras na naitala ng top 3 winners, higit kay Nerza na gahibla lamang ang layo sa 2017 SEA Games bronze medal winner na si Muhaizar Mohamad ng Malaysia (2:31.52).

‘We’re very happy with the time submitted by the top three winners. Very closed yung oras nila sa marathon medal winner in the last SEA Games in Jakarta. This only manifest how MILO Marathon inspired our runners to train harder,” pahayag ni Dela Cruz.

“We’re still four months away to train our runners for the SEA Games,” aniya.

Kinatigan ni Lester Castillo, Sports Manager ng Nestle Philippine­s, ang pananaw ni Dela Cruz at ipinahayag ang kagalakan sa naihahatid na tagumpay ng MILO Marathon hindi lamang sa katuparan ng pangarap ng mga sumasali, bagkus sa inspirasyo­n na nalilikha sa mga kabataan at komunidad.

“For the past 43 years, MILO Marathon inspired our youth to become a role model in the community. It’s nourishing ambitions,” sambit ni Castillo.

Bahagi ng programa ng MILO ang pamimigay ng mga running shoes sa mga pampubliko­ng eskwelahan sa mga lalawigan upang maging instrument­o para mahikayat ang kabataan na yakapin ang sports at mabuo ang pangarap na maging kampeon.

Nitong Linggo, pumalo rin sa 30,000 runners ang lumahok sa Manila leg, kabilang ang pinakamala­king 16,802 sa 5K event – ang event na nilalahuka­n ng mga pamilya, magkakaibi­gan at running enthusiast­s.

 ??  ?? KAPWA iniaalay nina Nerza at Hallasgo (kanan) ang tagumpay sa pamilya at komunidad na tumitingal­a sa kanila bilang mga inspirasyo­n.
KAPWA iniaalay nina Nerza at Hallasgo (kanan) ang tagumpay sa pamilya at komunidad na tumitingal­a sa kanila bilang mga inspirasyo­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines