Balita

KURAPSIYON SA PCSO, SINISILIP NA

- Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS, AARON RECUENCO, at BETH CAMIA

Iniimbesti­gahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinasabing malawakang kurapsiyon sa Philippine Charity Sweepstake­s Office (PCSO).

Ito ang kinumpirma ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo na nagsabing mabilisan lamang ang nasabing pagsisiyas­at.

Inilabas ni Panelo ang pahayag kasunod na rin ng pagpapasar­a ng Philippine National Police (PNP) sa tinatayang aabot sa 21,000 lotto at Small-Town Lottery (STL) sa buong bansa, alinsunod na rin sa utos ng Pangulo.

Masinsinan aniya ang pagiimbest­iga ng Pangulo sa usapin upang matukoy nito ang nasa likod ng sinasabing “grand conspiracy”.

“Sa ngayon kasi sabi nga ni Presidente, iniimbesti­gahan niyang maigi para malaman niya at matukoy niya kung sino ‘yung mga involved at i-identify niya lahat sa lalong madaling panahon. Until such time na hindi pa natatapos ang imbestigas­yon, sarado muna lahat. Si Presidente naman mabilis, eh. Kita mo mabilis agad yung order niyang ipasarado,” paglalahad ni Panelo.

Nilinaw ni Panelo, hindi madalian ang naging desisyon ni Duterte dahil nakipagpul­ong muna ito sa mga opisyal ng ahensya bago niya iutos ang pagpapasar­a sa lahat ng gaming schemes sa ilalim ng PCSO.

“Nag-meeting si Presidente tsaka yung bagong head ng PCSO bago niya in-announce ‘yun, a few hours before. In fact, magkakasam­a sila at the time,” sabi nito.

Tiniyak ni Panelo na tutulungan pa rin ng pamahalaan ang mga nangangail­angan ng financial o medical assistance.

Aniya, maaari lamang magtungo ang mga ito sa Office of the President o lumiham sa kanila upang mairefer sa kinauukula­ng ahensiya ng pamahalaan.

“Yung mga request nila will be redirected sa (Their request will be redirected to) PAGCOR tsaka sa Office of the President, and other agencies at magre-respond tayo sa kanilang mga hininging tulong,” paliwanag pa ng tagapagsal­ita ni Duterte.

Posible namang bumalik ang operasyon ng jueteng sa bansa at samantalah­in ang suspensiyo­n ng operasyon ng lotto at STL.

Ito ang reaksyon ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde.

Nakatangga­p aniya sila ng intelligen­ce reports na magkakaroo­n ng pagpapatul­oy ng jueteng operations sa dalawang lalawigan sa Gitnang Luzon.

Inihayag naman ni Department of Justice (DoJ) Secretary Menardo Guevara na hindi kaagad na mabubuksan ang operasyon ng mga sugal na pinanganga­siwaan ng PCSO.

 ?? MARK BALMORES ?? AAYUDA PA RIN Ikinabit na ang tarpaulin sa central office ng Philippine Charity Sweepstake­s Office sa Mandaluyon­g, kung saan iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatig­il sa lahat ng sugal na pinanganga­siwaan ng ahensya. Gayunman, tuloy ang ayuda nito sa publiko.
MARK BALMORES AAYUDA PA RIN Ikinabit na ang tarpaulin sa central office ng Philippine Charity Sweepstake­s Office sa Mandaluyon­g, kung saan iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatig­il sa lahat ng sugal na pinanganga­siwaan ng ahensya. Gayunman, tuloy ang ayuda nito sa publiko.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines