Balita

Kilalang aktres, laging ‘di bet ng parents ng BF

- Reggee Bonoan

KAWAWA naman ang kilalang aktres dahil sa tuwing magkakaroo­n siya ng karelasyon ay laging napupunta sa hiwalayan at ang rason ay hindi boto sa kanya ang pamilya at mga kaibigan ng guy.

Hindi na pala bago ang isyung ito sa kampo ng kilalang aktres dahil laging ito naman ang dahilan ng paghihiwal­ay.

Kuwento ng kausap naming malapit sa kilalang aktres at sa huling karelasyon nito.

“Actually, ‘yan ang kadalasang problema niya (kilalang aktres). Hindi ko alam ano sasabihin ko kasi hindi naman ako ang involved pero nanghihina­yang ako kasi nakita ko kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Nakita ko rin na mega-effort sila para magkita considerin­g they’re both busy.

“Ang family naman ni (kilalang aktres) ay boto kay (boyfriend). Mahirap talaga ‘pag family na ang usapan. Siyempre totoo naman talaga ang

kasabihan na kapag may basbas ng pamilya o magulang ang relasyon ng kanilang anak, e, magiging tagumpay ang pagsasama,” pahayag sa amin.

Paano kinakahara­p ng kilalang aktres ang paghihiwal­ay nila ng boyfriend niya? “Sa totoo lang, I don’t ask and hindi rin siya nagkukuwen­to. Parang ayaw niyang pagusapan, mas gusto niyang mag-work nang magwork. Good thing she’s super busy now. And puro masasaya lang ang kuwentuhan namin with friends.”

Mabuti pala at abala ngayon ang kilalang aktres kaya makakapag-move on siya ng mabilis tulad sa mga nauna niyang naging karelasyon.

Ano bang mayroon sa 2019 at ang daming kilalang celebritie­s ang nag-break, isama pa ang magkaka-loveteam, meaning, hindi na sila magkatraba­ho literally.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines