Balita

No TRO: Provincial bus ban, tuloy

- Rey Panaligan

Hindi inaksiyuna­n ng Korte Suprema ang petisyon para sa temporary restrainin­g order (TRO) na pansamanta­lang pipigil sa pagbabawal sa mga bus na biyaheng probinsiya sa EDSA.

Ayon sa mga sources mula sa Supreme Court (SC), hindi tinalakay sa full court session kahapon ang tatlong petisyon laban sa nasabing ban na nakatakdan­g ipatupad ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA).

Hanggang walang TRO na inilalabas ang SC, walang legal na basehan para pigilan ang MMDA sa pagpapatup­ad sa dry run ng ban na itinakda sa Agosto 6 o 7.

Bago tuluyang ipatupad ang dry run sa susunod na linggo, ang tanging pag-asa ng mga nagpetisyo­n para sa TRO ay sa Agosto 6 na lang.

Gayunman, magsisimul­a ng 10:00 ng umaga ang full court session ng SC, at karaniwan nang natatapos ito nang lagpas tanghali ng Martes, Agosto 6 sa susunod na linggo.

Inatasan na ng SC ang MMDA na magbigay ng komento sa tatlong petisyon laban sa provincial bus ban.

Nauna nang iginiit ng MMDA na layunin ng ban na mapaluwag ang trapiko sa EDSA.

Alinsunod sa nasabing regulasyon, ang pagsasakay at pagbababa ng mga pasahero mula sa katimugan ay sa integrated terminal na sa Sta. Rosa, Laguna na, habang ang mga magmumula sa norte ay nasa Valenzuela City naman ang terminal.

Ang mga may terminal naman sa Pasay City ang gagamit sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Iniaatas din ng regulasyon sa mga local government units na bawiin o itigil ang pag-iisyu ng mga business permits sa mga provincial bus operators na may terminal sa EDSA.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines