Balita

R3.9M marijuana, nasamsam

- Ni ZALDY COMANDA

LA TRINIDAD, Benguet – Pitong buyer ng mga pinatuyong dahon ng marijuana na may kabuuang P3.9 milyon, ang nasakote sa magkahiwal­ay na checkpoint ng pulisya sa bayan ng Banaue, Ifugao at Tabuk City, Kalinga, ayon sa ulat ng Police Regional Office-Cordillera.

Ayon kay Police B/Gen. Israel Dickson, regional director, pawang mga dayo sa lugar ang mga nadakip na suspek, matapos isumbong ng mga concerned citizen.

Aniya, hindi makakaila na patuloy pa rin ang pagtatanim ng marijuana sa nabanggit na lalawigan, sa kabila ng patuloy na marijuana eradicatio­n na isinasagaw­a ng kapulisan at militar.

Sa ulat ng Banaue Municipal Police Station, nadakip ang mga suspek na sina Jerick Crisostomo, 36, ng Tondo, Manila; Reniel Espinosa, 23; Daniel Tejada, 22, ng Taguig City; Titus Tallada, 20; Joshua Dacillo, 19; Reynaldo Jerez, Jr., 19, ng San Jose del Monte, Bulacan; at isang 17anyos na estudyante, habang sakay ng pampasaher­ong bus mula Sagada, Mountain Province, patungong Cubao City, nang pahintuin sa checkpoint ng pulisya sa may Barangay Viewpoint, Banaue.

Sa inspeksyon, narekober ng pulisya mula sa dalang bag ng mga suspek ang 14 bloke at 4 tubular ng pinatayung dahon ng marijuana na nagkakahal­aga ng P2,015,880.

Sa Kalinga, dalawang drug carrier din na sina Delfher Abancia, 24 at Zamiet Galo, 22, ng Adriatico St., Malate, Manila, na lulan ng bus patungong Maynila, ang nasakote sa checkpoint sa Talaca, Agbannawag, Tabuk City.

Nakuha sa dalawa ang 15 bloke at stalks tuyong dahon ng marijuana, na tinatayang nagkakahal­aga ng P1,882,770.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines