Balita

ONE-STRIKE POLICY SA BALIK-JUETENG

Babala ni Albayalde sa mga hepe:

- MARK BALMORES

‘DI NAKALIGTAS Binaklas ng mga tauhan ng clearing operation ang sign ng PCP-6 ng San Juan City Police na nakaharang sa bangketa sa bahagi Bgy. West Crame sa San Juan City, nitong Martes. Hindi nakaligtas ang presinto sa demolisyon, bilang bahagi ng utos ni Pangulong Duterte na linisin at alisin ang mga harang sa lansangan.

Nagbabala kahapon si Philippine National Police (PNP) General Oscar Albayalde sa lahat ng hepe ng pulisya, partikular sa Luzon, na kaagad silang masisibak sa puwesto sakaling muling mamayagpag ang jueteng sa kanikanila­ng nasasakupa­n.

“We have a standing directive that we call one-strike policy on illegal gambling. This will be used in case of jueteng resurgence,” sabi ni Albayalde.

Una nang inihayag ng pamunuan ng PNP na posibleng maibalik muli ang jueteng kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes na suspendihi­n ang lotto, Small-Town Lottery (STL), at iba pang games na lisensiyad­o ng Philippine Charity Sweepstake­s Office (PCSO) dahil sa malawakang kurapsiyon.

Isang araw makaraang ideklara ng Pangulo na ilegal ang lahat ng PCSO games, sinabi ni Albayalde na nakamonito­r na ang pulisya na may mga jueteng operators nang nangangala­p ng mga tauhan para sa pagbabalik-operasyon ng nasabing ilegal na sugal sa dalawang lalawigan sa Central Luzon.

“As of now, we have not monitored resumption of illegal jueteng operations. But just the same, I have already directed all regional directors to monitor this just in case,” sabi ni Albayalde.

May kaakibat na babala ang direktiban­g ito ng PNP Chief.

“If an anti-jueteng operation is successful in one particular municipali­ty or area through arrests, the chief of police or the station commanders will be made answerable,” said Albayalde.

Alinsunod sa one-strike policy, ang hepe, precinct commanders at station commanders ay kaagad na sisibakin sa puwesto kapag naging matagumpay ang operasyon ng regional police o Camp Crame kontra jueteng.

Kapag tatlong hepe ng pulisya ang nasibak dahil sa jueteng, masisibak din ang provincial director.

Ang one-strike policy kontra jueteng ay ipinatupad sa panahon ni Pangulong Gloria Arroyo, sa layuning masawata ang kurapsiyon sa pulisya bunsod ng kinikita sa jueteng.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines