Balita

Bible verses, pananggala­ng ni Julia sa haters

- Ni REGGEE BONOAN

PINALIPAS muna ni Julia Barreto ang sampung araw bago siya nag-post sa Instagram Story niya ng Bible verses mula sa Romans 12:19, “Don’t take revenge, dear friends. Instead, let God’s anger take care of it. After all, Scripture says, “I alone have the right to take revenge. I will pay back, says the Lord.” Mula naman sa Deuteronom­y 32:35, “My friends don’t try to get even. Leave room for God to show his anger. It is written, “I am the one who judges people. I will pay them back.” Obviously, pinasaring­an ni Julia ang netizens na sinabihan siya ng kung anu-ano sa social media dahil sa umano’y pang-aagaw niya kay Gerald Anderon na boyfriend ni Bea Alonzo.

To the rescue ang mama Marjorie Barreto at kapatid na si Dani Baretto sa aktres at itinanggin­g may namamagita­n sa kanila ni Gerald. Giit nila, nagkasabay lang na pumunta sa parking lot sina Julia at Gerald para kunin ang kotse ay ginawan na agad ng intriga. Ang tinutukoy nila ay ang litratong ipinost ng netizen na kuha sa birthday party ni Rayver. Nagbanta pang idedemanda ni Marjorie ang netizen na nag-post ng mga larawan dahil

may malisya ang pagkaka-post nito.

Makalipas ang ilang araw ay may mga lumabas na balitang inamin na umano ni Gerald sa tatay ni Julia na si Dennis Padilla

na nililigawa­n niya ang aktres at hiwalay na sila ni Bea.

Kaya may nagtanong din kung itutuloy pa ba ni Marjorie ang demanda, e, totoo naman palang nagliligaw­an na ang dalawa.

Anyway, dito na mas lumaki ang gulo dahil kamakailan ay nagpahayag naman si Bea na hindi niya alam na hiwalay na sila ni Gerald, ang sabi lang niya, “To my understand­ing, we did not break up. He just started not talking to me.”

Kaya naman hindi lang netizens na ang pumuna kina Gerald at Julia, maging ang mga kapwa nila artista nila ay nagbigay na ng kanya-kanyang opinyon lalo na no’ng nagpost si Paulo Avelino ng, “Ghosting! Na Bea Alonzo ka na ba Bes?” na naging laughing stock ng lahat.

No’ng kasagsagan ng isyu tungkol sa mga litrato ay dedma si Julia at ‘tila hindi siya apektado dahil pawang masasayang litrato niya ang naka-post sa IG account. Ibinalita rin niyang malapit na siyang lumipat sa ipinatayo niyang bahay.

Pero may patutsada na ang aktres tungkol sa mga naglabas ng opinyon patungkol sa kontrobers­iyang kinahahara­p niya, “The difference between coffee and their opinion is, I asked for coffee,” caption ng aktres sa ipinost niyang larawan sa IG.

Samantala, nananatili­ng tahimik si Gerald at hindi niya rin sinasagot ang request for interview sa kanya ng media. Ang huling post niya sa sariling IG account ay noong Hulyo 21 pa, na pagbati kay Senator Manny Pacquiao nang magwagi sa boxing match laban kay Keith Thurman.

 ??  ??
 ??  ?? Julia
Julia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines