Balita

Maynila, gagawing ‘green city’

- Mary Ann Santiago

Plano ni Manila Mayor Isko Moreno na gawing “green city” ang lungsod, at sinabi niyang sisimulan niya ito sa rehabilita­syon at pagpapalaw­ak ng Arroceros Park, na ilang metro lang ang layo Manila City Hall.

“I will withdraw a portion of Arroceros Street for public use, then we will extend Arroceros Park,” sinabi ng alkalde, sa pakikipagp­ulong niya sa mga environmen­talists na nagsusulon­g na mapangalag­aan ang parke, na itinuturin­g na huling forested area sa lungsod.

“We are going to create an esplanade at the back of Arroceros.”

Plano rin aniya niyang isara ang kalsada sa panulukan ng Quezon footbridge upang magkaroon ng mas malawak na espasyo na maikoconve­rt bilang “green spac”,’ at upang masolusyun­an na rin ang problema sa trapiko malapit sa Lawton.

Tiniyak din ni Moreno na bubuksan niya sa publiko ang parke sa pamamagita­n ng pagtatangg­al sa mga gate nito.

Matatandaa­ng una nang nilagyan ng gate ang naturang parke, nang okupahin ito ng mga informal settlers at gawing tambayan ng mga gangster.

Gayunman, naniniwala ang alkalde na hindi gate ang solusyon sa problema, kundi mas mahigpit na seguridad at sapat na tao na magmamanti­ne sa parke.

“I’ve always believed in an open park. Ang park hindi naka-preso,” aniya pa.

“It’s unfair for the people of Manila and others who want to visit the park na dahil lang sa kapabayaan ng gobyerno ay ipagkakait natin ‘yung comfortabl­e access sa taumbayan.”

Tiniyak din ni Moreno na matapos ang proyekto sa Arroceros Park ay tatawid na sila sa Lawton area, na gagawin namang green civic center upang magkaroon ng mas maraming open spaces ang mga Manilenyo.

Isusunod rin, aniya, niyang aayusin, sa ilalim ng kanyang greening project, ang 46 pang parke sa Maynila at iba pang institutio­nal buildings na pagmamay-ari ng city government, bagamat hindi pa siya nagbigay ng detalye hinggil dito.

Kaugnay nito, mariin ding tinutulan ng alkalde ang panukalang magtayo ng gym sa Arroceros Park, ngunit tumangging paalisin ang tanggapan ng Department of Education (DepEd) sa Arroceros compound.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines