Balita

57 patay sa riot sa kulungan

-

SAO PAULO/RIO DE JANEIRO – Limampu’t pitong bilanggo ang patay sa naganap na riot sa loob ng kulungan sa pagitan ng dalawang gang, sa Para, nitong Lunes.

Labing-anim sa bilang ang pinugutan. Ayon sa mga awtoridad, ito na ang pinakamadu­gong gulong naganap sa kulungan, habang sinusubuka­ng aksyunan ng pamahalaan ng Brazil ang pagsasaayo­s ng punumpuno nang selda sa mga kulungan sa bansa.

Ayon sa report, nagsimula ang gulo ng bandang 7:00 ng umaga (1000 GMT) sa kulungan sa siyudad ng Altamira, na kinasangku­tan ng dalawang magkaribal na grupo sa loob.

Sinunog ng mga bilanggo na kasapi ng Comando Classe A gang ang seldang tinitigila­n ng karibal na Comando Vermelho o Red Command gang.

Dagdag pa, karamihan sa mga biktima ay nasawi dahil sa sunog. Nagawa ring ma-hostage ng dalawang warden ngunit pinakawala­n din kalaunan.

Aabot sa 750,000 ang populasyon sa mga kulungan sa Brazil, na lumobo ng walong beses sa loob ng nakalipas na tatlong dekada, at pangatlong pinakamala­ki sa buong mundo.

Ang mga miyembro ng nabanggit na gang ay dawit sa mga pagnanakaw sa mga bangko, drug traffickin­g, at gun-running. Ang mga nakakulong na umano’y Kingpin ang pinaghihin­alaang kumokontro­l sa kanyang mga kasabuwat sa labas ng kulungan gamit ang mga ipinuslit na cell phone.

Ang mga gang sa kulungan ay nabuo upang protektaha­n ang mga bilanggo at magkaroon ng adbokasiya sa pagkakaroo­n ng mas mabuting kondisyon sa mga kulungan, ngunit lumalabas na nagkaroon ng mas malawak na kapangyari­han ang mga miyembro dahil sa gang.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines