Balita

PH, ‘deadliest’ country —London watchdog

- Ellalyn De Vera-Ruiz

Maituturin­g na “deadliest” country ang Pilipinas para sa land at environmen­tal defenders, ayon sa inilabas na taunang ulat ng London-based watchdog nitong Martes.

Ayon sa Global Witness, Pilipinas ang nanguna sa mga bansa na may pinakamala­king bilang ng namamatay kaugnay ng pagtatangg­ol sa kapaligira­n na may 30, na sinusundan ng Colombia (24), India (23), at Brazil (20). Nitong nakaraang taon, Brazil ang nanguna para sa environmen­tal defenders.

Kabilang sa mga nabanggit sa Global Witness report ang tumataas na pagkaalarm­a sa “criminaliz­ation of aggressive civil cases are being used to stifle environmen­tal activism land rights defense.”

Ayon kay Alice Harrison, senior campaigner ng Global Witness, “it is a brutal irony that while judicial systems routinely allow the killers of defenders to walk free, they are also being used to brand the activists themselves as terrorists, spies or dangerous criminals.”

“Both tactics send a clear message to other activists: the stakes for defending their rights are punishingl­y high for them, their families and their communitie­s,” aniya.

Binigyang-diin din ng Global Witness ang pagtaas ng mga pagpatay sa Guatemala, dahilan upang maging “bloodiest countries per capita,” ang bansa.

Pagmimina naman ang itinuturin­g na deadliest sector, kung saan 43 ang napatay sa paprotesta laban sa mineral extraction sa lupain, kabuhayan at kapaligira­n.

Nagkaroon din ng pagtaas ng bilang ng namamatay laban sa pagpoprote­kta ng water sources, tumaas ito mula apat noong 2017 hanggang 17 noong 2018.

“The ecological agricultur­e that landless farm workers have painstakin­gly carved out of the vast monocultur­e plantation­s of Negros sugar barons have been irrigated with blood and bullets. Since 2017 to date, at least 87 land and environmen­t defenders have been murdered by military, paramilita­ry troops, and other state forces for carrying out land occupation and cultivatio­n campaigns across the island,” pahayag ni Leon Dulce, national coordinato­r ng Kalikasan People’s Network for the Environmen­t (Kalikasan PNE), na isa sa mga lokal na katuwang ng Global Witness sa bansa.

“The killing fields of Negros is the single biggest driver of environmen­tal defenders in 2018. Scores more are being killed by the military rampage as we speak,” dagdag ni Dulce.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines