Balita

Pilipinas: World’s ‘Study English’ powerhouse

-

INIHAYAG kamakailan ng isang mataas na opisyal mula sa Department of Tourism (DOT) na ang Pilipinas ay inaasahang magiging “Study English” destinatio­n ng mga banyaga mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Binigyang-diin ni DOT Undersecre­tary Benito Bengzon Jr. na nakalalama­ng ang bansa bilang pangatlo sa pinakamala­king bansa na nagsasalit­a ng Ingles sa Asya, na may 93.5 ng populasyon ay nagsasalit­a o nakakainti­ndi ng Ingles, kung kaya’t mainam maglabas ng bagong tourism brand na nakaangkla sa edukasyon.

“It was until 2010 when we actually formalize the inclusion of education tourism, and obviously included ESL (English as second language) as among the priority products of the Philippine tourism industry,” pahayag ni Bengzon sa isang pulong balitaan sa ginanap na 1st Philippine Education Tourism Conference (PETC) 2019 sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Kinilala rin ni Bengzon ang Korea, China, Japan, Taiwan, Russia, Thailand, Indonesia, at Europa bilang mga pinagmumul­an ng mga banyagang estudyante sa bansa.

Sa kanyang mensahe sa mahigit 300 kalahok ng kumperensy­a, inilahad ni Bengzon na sa pagsusulit sa Ingles para sa internatio­nal communicat­ion (TOEIC), ang naging mean score ng ating bansa ay 710, at nasungkit ang ika-10 puwesto at ang pinakamata­as sa Asya.

“Being its official language in school and for business, Filipinos have gained proficienc­y to understand, write, speak and teach the language. English spoken by Filipinos has a neutral accent and is easily understood,” ayon kay Bengzon.

Aniya, isa ang Pilipinas sa mga iilang bansa na nag-aalok ng one-on-one English education, na mas gusto ng mga banyaga bilang paraan ng pagtuturo na sinasamaha­n pa ng mga Pilipinong guro na “naturally nurturing, patient and understand­ing.”

Ipinagmala­ki pa ni Bengzon ang iba’t ibang mga destinasyo­n sa bansa at ang kasaganaha­n ng bansa sa mga likas na yaman bilang dagdag na salik para sa mga banyaga upang dito sa Pilipinas mag-aral ng Ingles.

Ang mga bansang United Kingdom, Canada at Australia ay kinilala ng opisyal, bilang mga umuusbong na katunggali sa pagtuturo ng ESL.

Ang Central Visayas pa lamang ay mayroon ng 150 ESL centers na nakarehist­ro at kinikilala ng Technical Education and Skills Developmen­t Authority (TESDA), ayon sa ulat ni Shahlimar Hofer Tamano, ang regional director ng DOT-7 (Central Visayas) sa opening program ng kumperensy­a.

Noong 2018, nagbigay ng 59,428 special study permits (SSP) sa mga dayuhan ang Bureau of Immigratio­n (BI) na nais panandalia­ng mag-aral sa bansa, saad ni Bengzon.

Dagdag pa nito, halos triple ito sa loob lamang ng limang taon, dahil noong 2013, nasa 22,561 SSP lamang ang pinayagan ng BI.

Sa Cebu pa lang, ayon kay Tamano, ay mayroon ng 882 na rehistrado­ng mga banyagang estudyante na kasalukuya­ng nag-aaral ng iba’t ibang mga kurso sa mga higher education institutio­ns (HEI). Mayroong 165 HEIs sa Central Visayas, 15 nga rito ay idineklara na Center of Excellence and Center of Developmen­t.

Dagdag pa ni Tamayo, ang Cebu ay nakalalama­ng dahil na rin sa pagsisikap ng administra­syong Duterte na buksan ang the Terminal 2 ng Mactan Cebu Internatio­nal Airport at ang Panglao Internatio­nal Airport.

Kaagad nadagdagan ang mga biyahe matapos nito, 10 internatio­nal flights kaagad ang pinasinaya­an, 8 mula sa China, kasama na ang Macau.

“As of 30 April, Cebu has 595 internatio­nal flights per week and 1,496 domestic flights weekly,” lahad ni Tamayo.

In-accredit ng DOT, aniya, ang nasa 17 training centers, kasama ang ESL schools, at 16 nito ay nasa Cebu.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines