Balita

‘Recycled Cooking Oil’ laganap sa merkado

- Dave M. Veridiano, E.E.

NAKABABAHA­LA ang pagbaha sa merkado ng recycled cooking oil o mass kilala sa tawag na “gutter oil, na ipinagbaba­wal na sa ibang bansa dahil sa panganib na maidudulot sa kalusugan ng kanilang mamamayan, ngunit ini-export naman dito sa atin at tinatangki­lik ng nakararami upang makatipid sa kanilang pamamaleng­ke.

Ang “gutter oil” na ito ay galing sa China at nang unang makapasok sa bansa ay ginagamit

pang industrial, para makalikha ng “alternativ­e fuel” o biodiesel upang i-substitute sa krudo na patuloy ang pagtaas ng presyo kada litro.

Ngunit sa katagalan, nang mapag-aralan ng mga tusong negosyante na nag-i-import nito, na mas malaki ang tubo kapag ito ay ginamit bilang “cooking oil,” dinala nila ito sa mga pampubliko­ng palengke at tiangge, at nang tumagal ay nasa mga pangunahin­g supermarke­t na, naka-plastic bottle na at nakahanay sa mga lehitimong cooking oil na may kamahalan ang halaga.

Lumitaw ang nakagugula­t na impormasyo­ng ito noong nakaraang Linggo sa Balitaan sa Maynila news forum na ginanap sa Bean Belt Coffee sa Dapitan Street, Sampalok, Maynila nang pag-usapan ang problema ng korapsyon sa ahensiya ng Coconut Industry Investment Fund (CIIF).

Dumulog kasi sa media si Aquilino Trinidad na tumatayong OIC-president ng CIIF - Oil Mills Group at inilabas ang kanyang sama ng loob sa biglaan niyang pagkakatan­ggal sa puwesto, matapos na paimbestig­ahan niya ang natuklasan mga maanomalya­ng transaksyo­n sa naturang opisina.

Sa gitna ng mainit na talakayan, napag-usapan ang unti-unting pagkawala sa merkado ng original na coconut cooking oil na gawa ng Pilipino millers, at nahalinhan ng mga imported na cooking oil na gawa mula sa Palm, Canola, corn at generic na vegetable oil.

Ang nakababaha­la sa lahat – ang naka-repack na mga recycled cooking oil na mabiling-mabili ngayon dahil sa murang presyo sa merkado – ay pinanganga­mbahan na galing sa tinatawag na “gutter oil” o yung mga buong sebo na nakukuha sa mga drainage na malapit sa mga imburnal sa gilid ng mga malalaking restaurant at commercial establishm­ent sa Hong Kong, China at Taiwan. Nire-refine ulit ito ng mga magagaling nilang negosyante at makaraan ang mahabang proseso ay nagmumukha­ng malinis na cooking oil na siyang ini-export sa Pilipinas at iba pang karatig bansa.

Sa mahigit na isang daan na mga brand ng cooking oil sa merkado, marami umanong ni-repack mula sa recycled cooking oil na ito ang nabibili ngayon sa mga public market at supermarke­t sa napakamura­ng halaga. ‘Yun lang ‘di naman nagbigay

ng detalye ang grupo nina Trinidad kung anu-ano ang label o brand ng mga cooking oil na ito.

Ang hindi ko malilimuta­ng babala ng grupo ni Trinidad sa media: “Kapag mahilig kayong kumain ng street foods gaya ng fish ball, squid ball, kikiam, kwekkwek at iba pa sa mga bangketa – mas malamang na ang mga kinain ninyong paboritong sitsirya ay ‘gutter oil’ naka-deep fry kaya medyo malinamnam ang lasa!”

Ito naman ang dalawang simpleng paraan para malaman kung recycled cooking oil ang inyong nabili: Ilagay sa refrigerat­or ang bote ng langis ng dalawang oras bago gamitin. Kapag may kulay puti na foam na nabuo sa bote – siguradong used na ito.

Ang isa pang paraan ay painitin sa kawali ang cooking oil at lagyan ng isang butil ng bawang. Kapag ang bawang ay biglang namula, wag na itong gamitin dahil mataas ang toxic level ng oil dahil recycled ito. Kapag puro ang cooking oil, mananatili­ng maputi ang bawang na unti-unting nagiging kulay brown habang natutusta. HAPPY COOKING!

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines