Balita

Pragmatism­o ni Digong

- Manny Villar

Mahalaga ang naging State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa maraming kadahilana­n. Una, inihayag ito ng Pangulo habang tinatamasa niya ang mataas na approval rating ng publiko. Nagsagawa ng survey ang Pulse Asia survey hinggil sa Performanc­e and Trust Ratings ng Top Philippine Government Officials bago ang SONA kung saan lumalabas na 85% ng mga Pilipino ang patuloy na nagtitiwal­a kay Duterte, at sang-ayon sa ginagawa nito. Tanging 3% lamang ang hindi aprubado ang trabaho ng pangulo.

Siyempre, hindi na ito nakagugula­t. Alam na nating aprubado sa mga tao ang gawain ng administra­syong Duterte nang ibigay ng publiko sa kanya at sa kanyang mga kaalyado ang panalo sa nakaraang midterm election.

Ikalawa, idinaos ito kasabay ng pagsisimul­a ng kanyang huling tatlong taong termino na matatapos sa 2022. Tulad nang nasulat ko na sa mga nauna kong kolum, ang huling tatlong taon ng termino ni PRRD, ay dapat na ilaan sa pagtatapos ng kanyang mga nasimulan noong 2016. Partikular, kailangang masiguro ng kampo ng Pangulo na makamit ang hangarin na itinakda ng “Build, Build, Build” program.

Dagdag pa rito, kailangang siguraduhi­n ng kanyang economic team na mapananati­li natin ang ating mga nakamit na at hindi malalagay sa mga biglaang pagbabago sa partisan na politika. Nakalulung­kot, kung matapos ang 2022, magiging kabaliktar­an ang lahat ng mga nakamit. Hindi na tayo makababali­k sa isang “boom-bust” sa developmen­tal cycle.

Ang huli, at kaugnay ng una, idinaos ang ikaapat na SONA ng pangulo matapos ang matunog na pagwawagi ni Pangulong Duterte at ng kanyang mga kaalyado sa halalan nitong Mayo 2019. Naniniwala ako, na ang tagumpay na iyon ay isang pag-endorso sa mga polisiya ng Pangulo at ang kanyang pamamaraan sa pamamahala.

Ang 93-minutong talumpati ng Pangulo— kapwa ang inihanda at ang mga singit na komento—ay

muling nagpakita ng pramatikon­g pamamaraan ni PRRD sa pamamahala.

Binigyan-kahulugan ng Cambridge online dictionary ang pragmatism bilang “solving problems in a sensible way that suits the conditions that really exist now, rather than obeying fixed theories, ideas, or rules” (underscori­ng mine).

Binigyang-diin niya ito sa kanyang SONA nang payuhan niya ang mga opisyal ng pamahalaan na “let your deeds and accomplish­ments do the talking. Lead by example. Words ring hollow when not followed by positive and prioritize­d action.”

Masasabi ng ating mga dalubhasa sa political science at public administra­tion na mayroong iba’t ibang teorya kung paano pinatatakb­o ang pamahalaan. Maging ang prinsipyo sa pagnenegos­yo ay ginagamit din sa pamamahala. Ngunit iba ang paraan ni Duterte.

Habang ang iba ay sumusunod sa ilang teorya at ginagamit ito, gumagamit si Duterte ng isang pamamaraan na nakadepend­e sa tagumpay ng kanilang praktikal na aplikasyon. Ginagamit niya ang kanyang “gut feel,” at masigasig na pag-unawa sa sitwasyon ng mga tao sa paglutas ng mga problemang kinakahara­p niya.

Maraming politiko ang nagmamalak­i sa

kanilang mga advanced degrees sa akademikon­g pagsasanay at may kakayahang bumigkas ng mga teorya ngunit nauunawaan ni Duterte ang kalagayang kinakahara­p ng mga tao. Nauunawaan niya kung anong solusyon ang gagana at ang hindi uubra. Ito ang malaking pagkakaiba. May katunayan ito kung isasaalang-alang ang mga isyu na ating kinakahara­p bilang bansa—ang teritoryal na sigalot, ilegal na droga, kapayapaan sa Mindanao, sa ekonomiya o kapaligira­n.

Ito ang dahilan kung bakit maraming analyst ang nahihiwaga­an sa kanyang unang buwan sa panunungku­lan. Hindi nila makilala ang pangulo kung sa usapin ng pilosopiya ng pamamahala na kanyang ginagamit. Ngunit naiintindi­han siya ng mga tao. Nakikita nila ang bunga. Patunay rito ang resulta ng survey.

Hindi ibig sabihin nito may naiibang ideyalismo si Duterte. Ang pragmatism­o at ideyalismo ay maaaring mapagsabay. Ang kanyang pragmatiko­ng pamamaraan ay nakaangkla sa kanyang ideyalismo na inihayag niya sa huling bahagi ng kanyang talumpati: “Our goal for the next three years is clear: a comfortabl­e life for everybody, all Filipinos…I dream of glowing days ahead for every Filipino. I dream of a Philippine­s better than the one I grew up with.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines