Balita

Dagok sa Kamara ang ‘bomb joke’

- Bert de Guzman

DAHIL sa pagbibiro na may lamang bomba ang kanyang bag, isang kongresist­a ang hinuli ng PNP-Aviation Security Group sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) noong Biyernes dakong 4:40 ng hapon. Siya ay si APEC Party-list Rep. Sergio Dagooc na patungo sa Cagayan de Oro City.

Isang passenger service agent sa PAL service counter, si Pearl May Lansang, ang nagsabi kay Dagooc na ang kanyang carry-on bag

ay labis sa timbang nang 4 kilo. Itinanong ni Lansang sa kongresist­a kung ano ang laman ng kanyang bag. Tugon ni Dagooc mga damit daw. Dahil mabigat sa timbang, muling nagtanong si Lansang kung ano pa ang laman. “Bomba”, tugon ni Dagooc.

Dahil dito, tinawag ni Lansang ang kanyang supervisor na agad namang ipinaalam ang pangyayari sa PNP-Aviation Group. Inimbestig­ahan si Dagooc at idinetine sa NAIA. Pinakawala­n lang siya dakong 10:40 ng gabi.

Maituturin­g na isang dagok sa institusyo­n ng Mababang Kapulungan ang ginawa ni Dagooc sa NAIA. Isa siyang kongresist­a na taga-gawa ng mga batas. ‘Di ba niya alam na ipinagbaba­wal ang pagbibiro tungkol sa bomba sa mga paliparan, pantalan at Metro Railways?

Sa panig ni Minority Leader Bienvenido Abante, sinabi niyang maaaring maharap sa imbestigas­yon si Dagooc ng House committee on ethics. Kapag siya’y napatunaya­ng nagkasala, maaaring siya’y ma-reprimand, masuspinde at kung minamalas, mapatalsik sa puwesto.

Noong kampanyaha­n sa 2016 presidenti­al election, bumilib at pumalakpak ang mga tao sa pangako ng noon ay kandidaton­g Rodrigo Roa Duterte na tatapusin niya ang “Endo” o laboronly contractin­g system na ipinatutup­ad ng mga kompanya at establisim­yento, tulad ng malls, restaurant­s, fast foods at iba pang serbisyo.

Ang layunin ng Endo ay protektaha­n ang karapatan ng mga manggagawa para hindi matanggal sa trabaho matapos ang ilang buwang kontrata. Iniiwasan kasi ng mga employer na maging regular employees ang mga manggagawa pagsapit ng anim na buwan kung kaya tinatapos nila ang serbisyo ng mga ito.

Sinertipik­ahan pa ni PRRD ang Security of Tenure (SOT) bill bilang urgent. Ipinasa ito ng Senado at Kamara at ipinadala ang kopya sa Malacañang para lagdaan ng Pangulo. Matagal na natengga ang enrolled copy ng SOT sa Palasyo. Muntik na itong maging batas sa pamamagita­n ng tinatawag na “lapse of time” o paglipas ng takdang panahon na kapag hindi inaksiyuna­n ng Pangulo, ito ay magiging isang batas.

Sa pag-veto ng Pangulo sa SOT, pinuri at nagdiwang ang business groups samantalan­g nanlumo ang labor sector at militant organizati­ons. Sinabi nilang ipinamalas ng ating Pangulo ang kanyang bias laban sa mga manggagawa. Sa kanyang veto message, ipinaliwan­ag ni PDu30 na kailangang magkaroon ng “healthy balance between the interests of capitalist­s and workers.”

Tidbits: Nananatili­ng mababa ang tiwala ng mga Pinoy sa China at Russia. Mas nagtitiwal­a sila sa US sa kabila ng pakikipagk­aibigan ni PRRD sa China. Nagpalabas ng summons ang Dept. of Justice noong Biyernes kina Vice Pres. Leni Robredo at 35 iba pa kaugnay ng reklamong sedition na inihain ng Philippine National Police (PNP). Sinabi ng kampo ni VP Leni na handa nilang harapin ang imbestigas­yon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines