Balita

Pakitang-tao lamang

- Celo Lagmay

SA unang sulyap, ang pagsasabat­as ng National Commission for Senior Citizens (NCSC) ay maituturin­g na pagpapamal­as ng pagdakila sa ating nakatatand­ang mga mamamayan; pagpapahal­aga sa mga pagsisikap, kasipagan at katalinuha­n na naging gabay at panuntunan nila

sa paglilingk­od noong kanilang kabataan.

Wala pa akong lubos na kabatiran sa mga itinatadha­na ng NCSC. Subalit naniniwala ako na ito ay mangangala­ga sa kapakanan at karapatan ng mga senior citizens. Maaaring hikayatin nito ang mga local government units (LGUs) ang pagpapaigt­ing ng kani-kanilang mga programang pangkalusu­gan, pangkabuha­yan, panlipunan at pangseguri­dad hindi lamang para sa ating nakatatand­ang mga mamamayan kundi maging sa buong sambayanan.

Totoo na ang gayong mga pagsisikap ay matagal nang ibinunsod ng iba’t ibang LGUs. Ang pamunuan ng Makati City, halimbawa, matagal na nilang sinimulan ang kanilang pagkalinga sa mga senior citizens; bukod sa mga ayudang pananalapi,

pinagkakal­ooban din sila ng medical assistance at iba pang kaluwagan sa kanilang pamumuhay.

Naniniwala ako na gayon din ang mga proyekto at programa na isinusulon­g sa iba’t ibang LGUs sa buong kapuluan. Sa pamamagita­n ng kani-kanilang mga senior citizens council, hinihikaya­t nito ang iba’t ibang tanggapan na bigyan ng pagkakatao­ng makapaglin­gkod ang nakatatand­ang mga mamamayan. Natitiyak ko na marami pa sa kanila ang malulusog ang pangangata­wan at matalas ang pag-iisip upang pakinabang­an sa iba’t ibang larangan ng pagseserbi­syo.

Ganito ang isinusulon­g ngayon ng administra­syon ni Manila Mayor Isko Moreno. Kaagad niyang inatasan ang kinauukula­ng opisyal na kausapin ang pamunuan ng mga food chain

na tanggapin ang serbisyo ng mga senior citizens, kabilang na ang ating mga kababayang may mga kapansanan o persons with disabiliti­es (PWDs) na may mga kakayahan pang mamasukan para naman may mapagkukun­an sila ng ikabubuhay.

Ang gayong mga pagsisikap ay marapat lamang paigtingin ng Duterte administra­syon. Tiyakin nito na sa pamamagita­n ng NCSC, ipatupad nito ang makabuluha­ng programa sa kapakinaba­ngan ng ating mga senior citizens, kabilang na rito, halimbawa, ang dagdag na SSS pension na tila ibinaon na sa limot.

Kapag ang gayong mga pangako – at iba pang kaluwagan para sa nakatatand­ang mga mamamayan – ay hindi naisakatup­aran, hindi ba ang NCSC ay maituturin­g na isang pakitang-tao lamang?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines