Balita

‘Dark Horse’ ni Katy Perry, kopya sa Christian rap song

-

NATUKLASAN ng jury nitong Lunes na ang kantang Dark Horse ni Katy Perry ay iginaya sa isang 2009 Christian rap song “in a unanimous decision that represente­d a rare takedown of a pop superstar and her elite producer by a relatively unknown artist.”

Ang hatol ng nine-member federal jury sa Los Angeles courtroom ay natapos makalipas ang limang taon. Ang kaso ng pangongopy­a ay isinampa nina Marcus Gray at dalawa pang coauthor noong 2014. Alegasyon ng mga ito, ang Dark Horse ni Katy ay ginaya mula sa kantang Joyful Noise, na ini-release ni Marcus gamit ang stage name na Flame.

Ang kaso ay nasa penalty phase na, kung saan magdedesis­yon ang mga huwes kung magkano ang multa ni Katy at ng iba pang akusado para sa copyright infringeme­nt.

Ang kaso ay tumutok sa nota at kumpas ng

kanta, at hindi sa lyrics o recording na maaaring mag-abswelto sa 34-anyos na mang-aawit.

Ikinagulat ng lahat ng nasa court room ang desisyon dahil napatunaya­n ng mga huwes na ang anim na songwriter­s at apat na korporasyo­n na naglabas at nag-distribute ng kanta ay parurusaha­n din, kabilang sina Katy at Sarah

Hudson, na nag-compse ng mga liriko ng Dark Horse, at si Juicy J, na nag-ambag lamang ng rap sa kanta. Wala sa korte si Katy nang inihayag ang hatol.

Ang iba pang pananaguti­n ay ang Capitol Records pati ang mga producer ni Katy na sina Dr. Luke, Max Martin at Cirkut, na siyang nakaisip ng kumpas ng kanta.

Ang Dark Horse, na ikatlong single si Katy sa album niyang Prism noong 2013, ay nagtagal ng halos apat na linggo sa Billboard Hot 100 noong 2014, at naging nominado para sa Grammys. Inawit din ng singer ang Dark Horse sa Super Bowl halftime show noong 2015.

 ??  ?? Katy
Katy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines