Balita

A$AP Rocky, lilitisin sa Stockholm

-

DUDULOG sa Swedish court ang U.S. rapper na si A$AP Rocky ngayong Martes para sa unang araw ng paglilitis sa kasong assault na isinampa laban sa kanya. Matatandaa­ng ikinagalit ni U.S. President Donald Trump ang naturang kaso.

Nadetine ang 30-yearold performer, producer at model, tunay na pangalan ay Rakim Mayers, noong Hulyo 3 sa Sweden. Kaugnay ito ng pagkakasan­gkot ng rapper sa nangyaring street brawl sa Stockholm noong Hunyo 30. Kinasuhan siya ng assault dahil sa insidente.

Kung mahahatula­n sa Stockholm district court, maaaring maharap ng hanggang sa dalawang taong pagkakakul­ong si A$AP Rocky.

“The rapper would plead not guilty at the trial,” ayon kay Slobodan Jovicic, abogado ni A$AP Rocky.

Ikinagalit ng maraming fans, artists at celebritie­s, gaya ni Kim Kardashian at rocker na si Rod Stewart, ang pagkakakul­ong ng rapper.

Nakaabot kay Trump ang kaso at hiniling nito kay Swedish Prime Minister Stefan Lofven na tulungan siyang palayain si A$AP Rocky. Kalaunan ay nag-tweet si Trump na siya ay “very disappoint­ed” kay Lofven kasabay ng panawagan nitong, “Treat Americans fairly!”.

Personal na ring sinabi ng

US Presidente na siya mismo ang magbabayad ng piyansa ni A$AP Rocky, ngunit walang bail system ang Sweden.

Nauna nang ipinahayag ng Prime Minister na hindi niya iimpluwens­iyahan ang kaso ng rapper. “Sweden’s judiciary is independen­t of the political system.”

Taong 2011 nang makilala si A$AP Rocky sa album na Live.Love.A$AP.

Ang kanyang pinakabago­ng album na Testing ay nakapasok sa No.4 spot sa Billboard 200 charts nang i-release noong nakaraang taon.

 ??  ?? A$AP Rocky
A$AP Rocky

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines