Balita

‘Old Town Road’, longest - running No. 1 song of all-time

-

NAUNGUSAN ng Old Town Road ni Lil Nas X ang Billboard record ng One Sweet Day ni Mariah Carey, matapos ilang linggong mag-No.1 sa chart. Isang pambihiran­g tagumpay ito para sa rapper.

“YEEE TF HAWWW,” tweet ni Lil Nas X nitong Lunes.

Hindi nakalimuta­n ni Lil Nas X na magpasalam­at sa fans na tumulong upang magtala siya ng bagong rekord.

“I’m on the toilet right now, but I want to say thank you to every single person who has made this moment possible for me. We just broke the record for the longest-running No. 1 song of all-time,” lahad ng rapper, habang pinatutugt­og ang Old Town Road sa background music. “Let’s go!”

Nakamit ng Old Town Road ang halos lahat ng tagumpay nito sa pamamagita­n ng audio streaming. Isa itong original solo song ng 20-year-old rapper ngunit idinagdag niya si Billy Ray Cyrus sa kanta. Tampok din ang remix versions nina Diplo, Young Thug, Mason

Ramsey at BTS, sa kanta. Ibinilang

ng Billboard ang original song at remixed versions nito sa pagkalkula ng chart position, kaya nananatili­ng nasa No. 1 spot ang Old Town Road.

Lahad naman ni Billy Ray, “17 is my new favorite number” na ang tinutukoy ay ang debut album ng Some Gave All. Tumagal kasi ng 17 weeks sa top spot ang nasabing album noong 1992. “My goal was always to make music that would touch people’s lives around the world.”

Nitong Marso ay naharap sa kontrobers­iya ang Old Town Road nang tanggalin ito ng Billboard mula sa country charts, ngunit hindi nito naapektuha­n ang kanta, dahil lalo lamang itong nakilala.

Ilan sa mga kantang nakipagtun­ggali sa Old Town Road para sa top spot ang Bad Guy ni Billie Eilish at dalawang singles ni Taylor Swift.

 ??  ?? Lil Nas X
Lil Nas X

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines