Balita

(a.k.a.) Magdalena

- R.V. VILLANUEVA

Ika-119 na labas

GALIT na galit si Adora sa natuklasan­g trabaho ng kanyang ina.

Sumisigaw na ng paimpit si Adora: “Hindi lang kung ano-ano ang ibinibenta n’yo, dib a? Ibinibenta n’yo rin ang inyong sarili, di ba?”

Kumibot lamang ang bibig ni Elsie ngunit walang nakawalang salita sa kanyang bibig.

“Huwag n’yong itatanggi!” Muli, sa pagitan ng mga tiim na mga ngipin, nagdaraan ang mga sinasabi ni Adora. “Kung hindi n’yo ginagawa ang bagay na ‘yon pa’no kayo nakapagbib­igay ng ganoong kalaking pera sa’kin?”

A, talipandas na anak! Nagtataka rin pala ang alibughang ito na isa lang siyang buy & sell agent ng kung ano-ano ay nasusunod niya ang luho ng “butihing” niyang anak. Salamar naman at sa wakas, natuklasan din ng walanghiya na ibinebenta pala niya ang kanyang kaluluwa ppara masunod ang kapritso ng talipandas!

Pero ang tigas talaga ng hiya. Ang lakas ng loob na manita. E, kung was akin kaya niya ng sampal ang mga mata nitong kung ititig sa kanya ay parang siya na ang pinakamasa­mang tao sa balat ng lupa!

“Ang akala ko pa naman ay talagang kumikita kayo sa negosyo niyo. Hindi ko naisip na galing pala sa masama ang perang ibinibigay ninyo sa akin!

Ibig sana niyang sabihin bilang pangangatw­iran: Kait paminsanmi­nsan ba ay kumita ako sa malinis na hanapbuhay, sa palagay mo kaya ay sapat na ‘yon? Hinding-hindi. Mahirap tayo, alam mo ‘yan, Perokung kumilos at umasal ka, lagpas ka pa sa isang mayaman. May hiniling ka bang hindi ko naibigay?

“Hindi na ninyo ako ikinahiya?” May hiya pa ba ang anak mong ito, Ronie? Mayroon nga marahil. Ang dali kasi niyang tablan ng hiya sa ibang tao. Pero kahit kaunti ba, nahiya siya sa akin?

“Totoo ba ang sinasabi nilang kung kani-kanino kayo sumasama?” Marahas na tanong uli ni Adora.

Bakit ngayon ka lang nagtanong, anak? Bulag ka ba? Hindi mo ba nakita sa malaking ipinagbago ng ayos at ugali ko ang malaki ring ipinagkaib­a ng aking pagtao? O nagbubulag­bulagan ka lang dahil binubulag ka ng walang hunosdili mong pagastos?

“Bakit hindi n’yo sagutin ang tanong ko?” Lalong dumilim ang kanina pa madilim na mukha ni Adora. “Totoo bang nababayara­n ang pagkatao n’yo?”

Oo, anak. Alam mo nga o ang sagot. Sino ba ang sobra-sobrang makahingi ng pera? Sino ba ang laging nananakot na hihinto ng pag-aaral?

Oo kasalanan ko! Kasalanan ko’t lagi akong nagpapatak­ot sa’yo!

A, kung hindi ko lang mahal na mahal ang iyong ama! Takot ako sa pananakot mo, Oo. Pero hindi iyon ang dahilan para itahi ko ang aking bibig!

Nag-uunahan na sa pagtulo ang mga luha ni Elsie. Pero walang tunog ang kanyang pag-iyak. Nawawalan din pala ng tinig ang sobrang lungkot at dalamhati.

Aaa, kung hindi lang sa sumpang binitiwan ko sa harap ng bangkay mo, Ronie! Isinumpa ko na sa iyo, kahit maging katumbas ng buhay ko, itataguyod ko ang obligasyon iniwan mo sa akin.

Tinotoo ko lang ang sumpa ko sa iyo, Ronie. Kung tutuusin, talagang patay na ako, di ba? Hindi ba ang kamatayan ng dangal ay singkahulu­gan na rin ng kamatayang pisikal? Isampal ko bas a mukha ng gagang anak mong ito ang pagpapakas­akit na ginawa ko? Pero, bigla, nakita ni Elsie sa kanyang imahinasyo­n ang nakangitin­g mga labi ni Ronie.

Sabi na lang ni Elsie: “H’wag ka nang magalit, anak.”

“Ano ang gusto n’yo? Humalakhak ako sa pagkakaroo­n ng isang inang katulad ninyo?”

Katahimika­n. Matagal.

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines