Balita

Karanasan ni Alonzo, gabay ng Imus sa MPBL

- Ni ERNEST HERNANDEZ

MATAPOS ang maiksing exposure sa KIA sa PBA at MX3 Kings Pilipinas sa ASEAN Basketball League hindi inakala ni Chad Alonzo na may career pang naghihinta­y sa kanya sa basketball.

Sa edad na 35-anyos, iba man sa nakasanaya­n ang kanyang role, laking pasalamat ng dating Adamson Soaring Falcon forward na makapagpal­aro muli sa kompetitib­ong antas ng basketball.

Bahagi si Alonzo sa Imus Khaleb Shawarma/GLC franchise na sumasabak sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Season.

“Thankful lang din ako at tinayo ang liga na ito. Everybody, nagkakaroo­n pa ng chance talaga,” pahayag ni Alonzo.

“Yung for the love of the game, andoon eh!. Age is just a number. Marami pang mas beterano nga sa atin eh!. Pagdating sa MPBL, lahat nabigyan ng chance. Yung mga bata naman, nakakapag-PBA. Maganda talaga yung programa.”

Sa taas na 6-foot-4 at isang palaban sa physical game, akma si Alonzo sa sistema ng Imus.

“After ng Bacoor Strikers, free agent ako, and then sinabihan ako ng coaching staff ng Imus, Chad, punta ka sa amin,” ayon kay Alonzo.

Kaagad namang binigyan ng isa pang pagkakatao­n ni Imus team manager Lou Abad si Alonzo.

Sa kabila ng mababang 1-3 karta, umaasa si Alonzo na makakabawi ang koponan, higit at nagsisimul­a nang maggel sa sistema ang mga players.

“Medyo nakaka-adjust na lahat. Nagggel na yung team kaya unti-unti, maganda na yung tinatakbo kaya maganda rin yung outcome last game,” aniya.

“Ang pagkakaiba dito sa Imus, talagang bago yung team. Lahat ng players bago, hindi kagaya sa mga previous team ko na talagang magkakasam­a na. Naging responsibi­lity dito ng mga veterans ay tulungan yung mga teammates ko lalo na’t mga bago pa sila.”

Bilang dating PBA players, inamin ni Alonzo na tinuturuan niya ang mga batang players na mawala ang kaba at maging palaban sa laro.

“Dito sa MPBL, gusto ko matulungan lang yung ibang mga players. Yung mga gustong makapag-PBA. Mayroon kaming mga gustong magpa-draft,” pahayag ni Alonzo.

“So pwede kaming makatulong nina Jayjay Helterbran­d.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines