Balita

Knights, tinuhog ang Cardinals

- Marivic Awitan

PATULOY ang dominanten­g kampanya ng Colegio de San Juan de Letran at ibinilang ang Mapua University s akanilang biktima sa pamamagita­n ng 89-84 panalo kahapon para patatagin ang kapit sa liderato sa NCAA Season 95 Men’s Basketball Tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nanatiling imakulada ang marka ng Knights sa nakalipas na limang laro matapos mabigo sa opening day match kontra sa Lyceum of the Philippine­s.

Nakuha pang dumikit ng Cardinals sa iskor na 63-66 papasok sa huling walong minuto ng laro, ngunit kumamada ang Knights ng 12-4 blast sa pamumuno nina Fran Yu at Jerrick Balanza upang palobohin ang lamang sa 78-67 may limang minuto ang natitira sa laban.

Hindi naman kaagad sumuko ang Cardinals at muling dumikit sa iskor na 84-86 matapos ang basket ni Christian Buñag sa huling 33.9 segundo.

Sa sumunod na play, naisalpak ni Bonbon Batiller ang three-pointer para selyuhan ang panalo sa ‘Battle of Intramuros’.

Tumapos si Batiller na may 15 puntos, apat na rebounds, tatlong assists, at tig-isang block at steal, habang nanguna si Larry Muyang na may 24 puntos at siyam na rebounds.

Para sa Mapua na sumadsad sa ikalimang sunod na kabiguan, nanguna si Christian Bunag na may 17 puntos at 12 rebounds.

“Masaya kami, pero it’s a bad game (for us). I’m still happy with the win,”pahayag ni Letran coach Bonnie Tan.

Iskor: LETRAN (89) - Muyang 24, Batiller 15, Ambohot 14, Balanza 11, Yu 8, Ular 6, Sangalang 4, Olivario 3, Mina 2, Javillonar 2, Caralipio 0, Reyson 0

MAPUA (84) - Bunag 17, Victoria 15, Lugo 12, Bonifacio 10, Gamboa 9, Salenga 6, Gonzales 5, Hernandez 5, Nieles 3, Garcia 2, Serrano 0, Nocum 0, Jabel 0

Quartersco­res: 19-16, 40-39, 66-60, 89-84

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines