Balita

Walisin na kaya ng Beermen?

- Marivic Awitan

Laro Ngayon (Araneta Coliseum) 7:00 n.h. -- Rain or Shine vs San Miguel

TAPUSIN na kaya ng Beermen o makahirit pa ang Paint Masters?

Masasagot ang katanungan ng basketball fans sa paglarga ng Game 3 ng best-of-five semifinals series sa pagitan ng San Miguel Beer at Rain Or Shine ngayon sa 2019 PBA Commission­ers Cup.

Magtutuos muli ang Beermen at Elasto Painters ngayong 7:00 ng gabi sa MOA Arena sa Pasay City. Tangan ng Beermen ang 2-0 bentahe.

Humakbang palapit sa kanilang inaasam na ikalawang sunod na finals appearance ang reigning 5-time Philippine Cup champion San Miguel matapos gapiin ang Rain or Shine sa Game 2, 117-105 sa pamumuno ni Chris Ross.

Impresibo ang Fil-Am star sa naiskor na career-high 10 three-pointers at career-best na 34 puntos upang pamunuan ang nasabing pagbalikwa­s ng Beermen sa huling tatlong quarters na nagresulta sa 2-0 bentahe nila sa serye.

Sa nasabing dalawang panalo, ipinakita ng Beermen ang kakayahan nilang humabol mula sa napakalaki­ng kalamangan at makamit ang tagumpay.

Subalit, sa likod nito ay umamin silang may pangamba na posible silang malagay sa alanganin pagdating ng Finals kung sakali kapag nasanay sa malamya at mabagal na simula sa laro.

“We have a slow start, and it’s almost always the case in our team. And if we will be in the playoffs or the Finals, it’s hard to have that kind of attitude,” pahayag ni SMB coach Leo Austria.“Because all the teams in the PBA are equally talented.”

“We can’t have the habit of being down [nearly] thirty points and expecting to win – especially in the playoffs,” wika naman ni Ross.

Kaya naman ito ang sisikapin nilang pagtuunan ng pansin ngayong Game 3.

“Hopefully we could fix that going into the next game, because two games in, we had two bad starts, two slow starts. Hopefully, we could fix that and not make it so hard for ourselves,” sambit ni Ross.

“Kailangan namin magstep up, kailangan namin i-shoot yung mga tira namin. Mahirap kasi maghabol eh,” ayon naman kay reigning MVP June Mar Fajardo.

Sa panig naman ng Elasto Painters, sisikapin naman nilang hindi masayang ang nalalabing tsansang panatilihi­ng buhay ang pagkakatao­ng umabot ng finals matapos ang muling pagkawala ng malaking bentahe na umabot ng 29 puntos noong Game 2 na naging dahilan ng kanilang pagkabigo.

Pipilitin nilang hindi mawala ang focus sa laro at malimitaha­n ang kanilang turnovers na naging dahilan ng kaya sila nahabol at tinalo ng Beermen.

 ?? RIO DELUVIO ?? SINABAYAN ni Rain or Shine import Carl Montgomery ang driving lay-up ni Chris Ross ng San Miguel Beer sa isang tagpo ng kanilang laro sa Game 2 ng PBA Commission­er’s Cup semifinals.
RIO DELUVIO SINABAYAN ni Rain or Shine import Carl Montgomery ang driving lay-up ni Chris Ross ng San Miguel Beer sa isang tagpo ng kanilang laro sa Game 2 ng PBA Commission­er’s Cup semifinals.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines