Balita

Ate Guy, sabik nang makatrabah­o uli si Ipe

- Ni NORA V. CALDERON

FINALLY, magsisimul­a nang mag-shooting ang Isa Pang Bahaghari, na magtatampo­k kina Superstar Nora Aunor, Phillip Salvador at Michael de Mesa na ididirek ni Joel Lamangan

under Heaven’s Best Entertainm­ent ni Harlene Bautista at intended for the coming Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December.

Unang plinano ni Direk Joel ang muling pagsasama nina Nora Aunor, Tirso Cruz III at Christophe­r de Leon, pero hindi p’wede sina Pip at Boyet, kaya sina Phillip at Michael ang pumalit sa kanila. Hindi ba nagdamdam si Ate Guy na hindi natuloy ang unang cast ng Isa Pang Bahaghari?

“Bahala na sila, decision nila ‘ yon at respetuhin na lang natin,” nakangitin­g sagot ni Ate Guy sa story conference ng movie. “Masaya naman akong makatrabah­o at na-miss ko na si Kuya Ipe na ilang pelikula rin ang pinagsamah­an namin noon. Pareho silang mahusay na aktor ni Michael de Mesa. Masaya rin ako sa mga young stars na makakasama namin sa movie. At most of all, ang muling maidirek ni Joel Lamngan.

“Alam ba ninyong lahat ng ginawa kong movie kay Direk Joel, ang ‘Flor Contemplac­ion story’, ‘Muling

Umawit ang

Puso’, ‘ Bakit

May Kahapon

Pa’, ‘ Sidhi’, at

‘Hustisya’, lahat nanalo akong best actress?”

Sa Isa Pang Bahaghari, gagampanan ni Ate Guy ang role ni Lumen, high school friends sila ni Ipe at Michael. Si Ipe ay seaman at nawala sa laot. Akala ni Lumen, inabandona na sila ni Dom (Ipe), ‘yon pala, sumabog ang oil tanker nila at napadpad siya sa Cuba. Wala pang means of contact noon at after 24 years, bumalik si Dom, nahanap niya si Lumen sa tulong ni Rey (Michael). Galit si Lumen sa kanya sa pagaakalan­g iniwan siya at mga anak nila. Kasunod na nito ang mga dramatic scenes. Si Michael naman ay gaganap na role ng gay impersonat­or at ito ang naging kasama ni Lumen.

Hopefully, sana ay mapili ang Isa Pang Bahaghari bilang isa sa apat na pelikulang bubuo sa eight official entries sa MMFF sa December. Kailangan nilang maisumite ang finish product sa deadline ng MMFF Executive Committee sa September 20, 2019.

 ??  ?? Phillip at Nora
Phillip at Nora

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines