Balita

Solar eclipse ngayong araw

- Ellalyn De Vera-Ruiz

May pagkakatao­n ang mga Pilipino na matunghaya­n ang “ring of fire” eclipse ngayong araw, Disyembre 26 sa ilang bahagi ng Pilipinas. Ang susunod na matutungha­yan ito ay sa Pebrero 28, 2063.

Posibleng matunghaya­n ang annular eclipse sa katimugang bahagi ng Pilipinas, partikular sa Glan (Batulak), Balut at Sarangani Island, sa ilang bahagi ng Saudi Arabia, Qatar, United Arab Emirates, Oman, India, Sri Lanka, Malaysia, Indonesia, Singapore, Northern Mariana Islands, at Guam, ayon sa Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA).

“The moon will cross the sun completely. However, the moon’s orbit is in a position farthest away from earth. This means that the moon’s apparent size in the sky is not large enough to completely cover the sun, as witnessed during total solar eclipses. This, instead, creates a ‘ring of fire’ effect,” pagbabahag­i ni PAGASA weather specialist Mario Raymundo.

Kung pahihintul­utan ng panahon, maaaring matunghaya­n ang partial solar eclipse na magsisimul­a ng 12:32 ng hapon at tinatayang matatapos ng 3:47 ng hapon sa Balut Island, Saranggani, Davao Occidental.

Inaasahang tatagal ito ng tatlong oras, habang ang dalawang minutong tatagal ang annularity.

Bukod sa mga nabanggit na lugar, maaari ring masilatan ang partial solar eclipse sa Manila, Quezon City, Aparri, Laoag, Legazpi, Puerto Princesa, at Mactan.

Noong Hulyo 20, 1944 pa huling natunghaya­n ng Pilipinas ang isang annular eclipse na nasilayan sa Puerto Princesa City, Palawan hanggang Southern Mindanao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines