Balita

‘Killer’ lambanog, positibo sa methanol

-

Positibo sa mataas na lebel ng methanol ang mga sample ng lambanog na nakolekta sa Rizal, Laguna, ayon sa Food and Drug Administra­tion (FDA) nitong Miyerkules.

“Five out of seven lambanog samples collected by Food and Drug Administra­tion regulatory inspectors from several sellers in Rizal, Laguna tested positive for high levels of methanol,” pahayag ni FDA Officer-in-Charge and Health Undersecre­tary Rolando Enrique Domingo.

Limang samples, aniya, na nagpositib­o sa toxic levels ng methanol ay mula sa Rey Lambanog, Emma’s Lambanog store, at Orlando Mapa store.

“Very low levels of methanol may be present in alcoholic beverages provided they are byproducts of natural fermentati­on. The high levels found in the samples makes them toxic,” dagdag pa ng health official.

“Methanol, also known as wood alcohol, is a flammable and poisonous liquid. Ingestion of 30ml is potentiall­y fatal. Absorption through the skin or via inhalation may also lead to toxic effects. This is due to methanol being converted to formaldehy­de and formic acid in the liver,” aniya pa.

Ayon kay Domingo naglalaman ng 11.4 percent hanggang 18.2% ng methanol ang limang sample na nagpositib­o.

Bagamat ilan inuming alak, aniya, ang naglalaman ng methanol, ito ay hindi naman tumataas sa 1%. “Kung meron mang methanol content [If there is methanol content], (it should be) less than one percent. Minsan pag tinest sila (alcoholic drink) meron mababangma­baba [Sometimes if they are tested, there is presence of it but in low levels]. Hindi sya pwedeng yung alcohol content talaga ng beverage,” ayon kay Domingo sa isang panayam.

Muli namang pinaalalah­anan ng FDA ang publiko na bilhin lamang ang mga inuming rehistrado sa ahensiya.

“For their safety and that of their loved ones, we urge all consumers to patronize only registered food and drink products registered with the FDA and sold by licensed manufactur­ers and dealers especially during the holidays,” ani Domingo.

Samantala, inihayag naman ni Health Secretary Francisco Duque III na nakatakdan­g maghain ang FDA ng kaukulang kaso laban sa mga lambanog distillery na responsibl­e sa pagkamatay at pagkaospit­al ng daandaang katao.

Noong nakaraang taon lamang aniya, ay pinatawan nila ng multang P1.9 million at kinasuhan ng “administra­tive cases” ng ahensiya ang operator at may-ari ng lambanog distillery sa Laguna. Matatandaa­ng 14 na katao ang napaulat na namatay noongh 2018 dahil din sa pag-inom ng lambanog.

“Despite the fact that they know what happened last year, then they should have exercised prudence and made sure that their products would undergo Certificat­e of Product Registrati­on process by the FDA,” pahayag ng kalihim.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines