NPA recruitmen­t, pinalagan

Balita - - Pangunahin­g pahina - Bella Gamotea

Nasa higit 300 katao, karamihan mga kabataan ang nagtipun-tipon para sa isang pro-government rally sa Parañaque City,kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat ng Southern Police District (SPD), sinimulan ang rally sa Service Road, Baclaran, dakong 7:00 ng umaga.

Layunin ng aktibidad na suportahan ang kapayaan at developmen­t building initiative ng kasalukuya­ng administra­syong Duterte sa pamamagita­n ng pagkondena sa lahat ng uri ng karahasan, terorismo at paninikil na sagabal sa katahimika­n at kaunlaran ng mga komunidad.

Ipinanawag­an ng mga ito sa gobyerno ang pag-aresto kay Communist Party of the Philippine­sNew People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) founder Jose Maria Sison.

Panawagan din ng grupo sa kabataan, huwag magpalinla­ng sa grupong komunista at iwasan ang mga humihikaya­t para sumama sa kanilang kilusan.

Iginiit ng grupo, na isa ang NPA sa pangunahin­g human rights violator kung saan sinisira ang kaisipan ng mga kabataan upang mag-aklas laban sa gobyerno o pamahalaan.

Anila, sa halip na tumulong sa kanilang pamilya ay tuluyan na umanong nasira ang kinabukasa­n ng mga kabataan na sumama sa NPA.

Kabilang ang mga lugar na nakilahok sa rally ang buong katimugang bahagi ng Metro Manila kabilang ang mga residente ng barangay buhat sa Parañaque City, Makati City, Taguig City,Muntinlupa City, Pasay City, Las Piñas City at Pateros.

Target ng grupo na maipaabot sa pamahalaan ang kanilang panawagan upang tulungan silang maiwasan ang patuloy na recruitmen­t ng mga rebelde sa kabataang estudyante.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.