Balita

‘URSULA’ BUMAYO SA E. VISAYAS

- Nina MARTIN A. SADONGDONG, BETHEENA KAE UNITE at HANAH TABIOS

Nabalot ng lungkot ang dapat sanang masayang pagdiriwan­g ng pasalubong sa Pasko, dahil napilitang lumikas ang nasa 912 pamilya o 4,115 indibiduwa­l sa Eastern Visayas (Region 8) mula sa kanilang mga tahanan dulot ng pananalasa ng Bagyong Ursula, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkules, Araw ng Pasko.

Sa ulat ni NDRRMC Exevutive Director Ricardo Jalad, mula ang mga apektadong residente sa siyam na bayan at siyudad ng Tacloban sa Leyte; apat na bayan sa Catbalogan, Samar; tatlong bayan sa Eastern Samar; tatlong bayan sa Southern Leyte; at isang bayan sa Northern Samar.

Gayunman, siniguro naman ni Jalad na ang mga apektadong residente ay nabigyan ng sapat na tulong mula sa mga local government units at iba pang ahensiya.

Sa Cawayan, Masbate, ilang pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa pagbayo ng bagyong Ursula sa Bisperas ng Pasko.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng social media user na si Sheila Mae Pañales ang kanilang pinagdaan sa pananalasa ng bagyo habang patuloy na kumikilos ang bagyo patungo ng Masbate-Panay gabi ng Martes.

Sa mga larawang ibinahagi, makikita ang matinding pinsala sa bayan, habang ilan sa mga residente ang napilitang matulog ng basa ang mga damit.

Ilang daan din ang hindi madaanan matapos ang pananalasa ng bagyo. Nitong Miyerkules hindi pa nadaraanan ang bahagi ng Guiuan-Borongan national road, Eastern Samar, kasama ang daang bahagi ng Balangkaya­n, (Eastern Samar) at ang Veteranos Avenue sa Tacloban City habang tuloy-tuloy pa ang clearing and restoratio­n operations sa lugar, ayon sa OCD 8.

Samantala, hindi pa natitiyak ng NDRRMC ang ulat hinggil sa pagkamatay ng isang lalaki matapos umanong makuryente sa Abuyog, Leyte sa kasagsagan ng bagyo.

Bukod naman dito, sampung lugar pa ang nakaranas naman ng pagkawala ng suplay ng kuryente matapos bumigay ang mga poste dahil sa ulan at malakas na hangin sa Region 8.

Kabilang sa mga apektado ang mga bayan ng Basey, Marabut, Sta. Rita, Pinabacdao, at Daram sa Samar; San Julian, Borongan at Taft sa Eastern Samar; Tacloban City sa Leyte; at San Ricardo sa Southern Leyte.

STRANDED

Tinataya namang nasa 23,789 pasahero ang napaulat na stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa habang nasa 63 domestic flights ang kanselado nitong Araw ng Pasko.

Sa Manila port terminal, patuloy na umaasa ang ilang mga pasahero na makabiyahe nitong Araw ng Pasko. Sa North Port, nasa 200 pasahero ang piniling sa pantalan na salubungin ang Pasko, sa pagbabakas­akali na maunang makabiyahe sakaling bawiin na ang suspesyon ng biyahe.

“Marami pa ding nagbabakas­akali na makaalis today. Nung 23 pa sila stranded at may mga nagdadatin­gan pa na paalis sana ngayon. Request nila na mabigyan sila ng priority dun sa mga aalis na barko pag nawala na yung suspension,” pahayag ni Captain Armand Balilo, Philippine Coast Guard spokespers­on.

BLUE ALERT

“The NDRRM Operations Center raised its alert level to ‘blue’ to closely monitor the developmen­t of the weather disturbanc­e,” pahayag ni Jalad.

Dahil nakataas ang blue alert level, kalahati ng bilang ng mga tauhan ng NDRRMC ang naka-stand-by upang rumesponde sakaling kailangani­n.

Una nang sinabi ng NDRRMC na nasa 2,939 barangay sa mga bulubunduk­ing lugar ang “highly susceptibl­e” sa landslide habang nasa 3,652 mababang lugar ang malaki ang panganib sa pagbaha sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon or Region 4A), Mimaropa (Occidental at Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan o Region 4B), Bicol Region (5), Western Visayas (Region 6), Eastern Visayas (Region 8), Caraga Region at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

 ??  ?? ITINUMBA Tila nanghihina­yang isang isang residente sa nawasak na bahay nito sa paghagupit ng bagyong Ursula sa Tacloban, Leyte, kahapon.
ITINUMBA Tila nanghihina­yang isang isang residente sa nawasak na bahay nito sa paghagupit ng bagyong Ursula sa Tacloban, Leyte, kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines