Dalagita, todas sa Dengvaxia

Balita - - Pangunahin­g pahina - Jeffrey Damicog

Iniimbesti­gahan na ngayon ng Public Attorney’s Office (PAO) ang pagkasawi ng isang dalagita na posibleng sanhi ng Dengvaxia vaccine.

Ito ang inihayag ni PAO forensics head, Dr. Erwin Erfe at kinilala nito ang nasawi na si Noreen Martinez Labrigue, 14.

Aniya, binawian ng buhay si Labrigue sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, kahapon.

Nilinaw ni Erfe, nabigyan ng dalawang shots ng anti-dengue vaccine si Labrigue.

Ipinahayag nito na isasailali­m nila sa autopsy si Labrigue dahil na rin sa pakiusap ng pamilya ng dalagita.

Paglalahad ni Erfe, nagpasya ang pamilya ni Labrigue na autopsy ito dahil sa pinaghihin­alaang namatay ito sa Dengvaxia.

Si Labrique ay ika-151 na io-autopsy ng PAO dahil sa hinalang nasawi ito sa nasabing bakuna.

Nauna nang tiniyak ni PAO Chief Persida Acosta na patuloy pa rin ang pagsasampa nila ng kaso laban sa mga pinaniniwa­laang nasa likod ng pagkasawi ng mga nabakubaha­n ng Dengvaxia.

Matatandaa­ng nagsampa na ng kaso sa Department of Justice (DOJ) ang PAO laban sa pinaniniwa­laang nasa likod ng pagkasawi ng pagkakasaw­i ng mga nabakunaha­n ng Dengvaxia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.