Bianca Umali, ‘di mapigilan ang kaseksihan

‘THE PERFECT COCA-COLA BOD’

Balita - - Pangunahin­g pahina - Ni NITZ MIRALLES

NANATILING naka-set sa “comments on this post have been limited” ang Instagram (IG) ni Bianca Umali kaya gustuhin mang magcomment ng mga hindi pabor sa patuloy niyang pagpo-post ng photos in skimpy two-piece, ay hindi magawa ng kanyang fans o non-fans.

Hindi bashers ni Bianca ang kati-kating mag-comment, nagugulat lang sila kung bakit kinakailan­gan nitong magpost ng naka-two-piece eh, alam naman daw na sexy na siya. May nabasa kaming disappoint­ed sa aktres sa ginagawa nito dahil talent ni Bianca ang hinangaan at nagustuhan nila at hindi ang katawan.

Kaya lang, tila walang makakapigi­l kay Bianca na mag-post na naka-two-piece and in fairness, ang sexy naman talaga ng aktres. Aliw nga na pati ang boobs ni Bianca, pinagdedeb­atehan kung totoo o gawa ng siyensa.

In fairness uli, boobsie si Bianca kahit noong bata pa at sabay nang pagbabago ng hulma ng kanyang katawan ang pagka-develop ng kanyang boobs. Lalo pang na-enhance ang pagiging gifted nito dahil nagwu-workout.

Ang swerte nga raw ng BF ni Bianca na si Ruru Madrid dahil maganda na, sexy pa ang

G F niya at mahusay umarte. Sabi pala ng netizens, kuha sa Boracay kung saan nagbakasyo­n nina Bianca at Ruru before Christmas ang latest sexy photo ni Bianca.

Ang napansin namin, kung may disappoint­ed sa “bagong” Bianca, pinuri naman siya ng mga kasama sa showbiz. Mababasa ang comment ni Iza Calzado na “GRABE KA ANAK!” ang comment ni Sanya Lopez na “Hottiiieee” at ang panalong comment ni Solenn Heussaff na “The perfect coca-cola bod.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.