Balita

Pagdiriwan­g ng Pasko sa Metro, generally peaceful

- Bella Gamotea

Payapa sa pangkalaha­tan ang pagdiwang ng Araw ng Pasko sa Metro Manila, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO) kahapon.

Idinahilan ni NCRPO Regional Director, Brigadier General Debold Siñas, ang ipinatupad na ‘security operations’ ng pulisya sa National Capital Region (NCR) bago ang Pasko hanggang sa pagkatapos ng bisperas ng Bagong Taon.

“Metro Manila had a safe and peaceful celebratio­n of Christmas eve with no untoward incident recorded,” aniya.

Imbes na magdiwang kasama ng kanilang pamilya, ginugol ni Sinas at kanyang mga tauhan ang pag-iikot at pagiinspek­siyon sa mga kalsada at kampo upang tiyakin ang seguridad ng publiko ngayong holiday season.

Ayon sa opisyal, ang payapang Pasko ay dahil sa ‘intensifie­d operations’ na ikinasa ng pulisya, kabilang dito ang ‘Oplan Sita, checkpoint­s, Oplan Galugad’, Simultaneo­us Anti-Criminalit­y and Law Enforcemen­t Operations (SACLEO) at iba pa.

Sa kabila nito, hindi umano magiging matagumpay ang ginagawa nilang operasyon kung wala ang kooperasyo­n o pakikipagt­ulungan ng mga residente ng Metro Manila na karamihan ay nais ang kapayapaan.

“We give back the success of this endeavour to the people of Metro Manila for their continuing support to NCRPO and the Philippine National Police. In addition to this, I would like to recognize the effort of our comrades and the sacrifices of their families and loved ones who, for love of country, once again celebrated Christmas eve away from their presence. Our labor is not in vain,” sabi pa nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines