Balita

Apektado ng bagyong Ursula, hiniling ipagdasal

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Pinangunah­an ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang Christmas Eve mass na idinaos sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila, kahapon ng madaling araw.

Sa kanyang homiliya, sinabi ni Tagle na dapat na magpasalam­at ang lahat sa Panginoon dahil sa muling pagsapit ng Pasko ng pagsilang ng Panginoon dahil tayo ay pinagpala na magkasama-samang muli.

Nanawagan din siya sa mga dumalo sa misa na mag-alay ng panalangin para sa mga apektado ng bagyong Ursula, na habang isinusulat ang balitang ito ay kasalukuya­n pang nananalasa sa ilang panig ng bansa.

“Sa simula po, ipagdasal po natin ang mga kapatid natin, lalo na sa Visayas at Bicol area, na sa oras na ito ay nakararamd­am na ng epekto ng bagyong si Ursula. Talagang hindi natin mailalagay sa schedule ang katulad ng bagyo, subalit sa ating pakikiisa sa kanila, pananalang­in, makararati­ng sa kanila ang diwa ng sambayanan. Kaya I’m inviting everyone to pause and in a moment of silence to pray for our brothers and sisters, living on the path of the typhoon that just entered the Philippine territory,” bahagi ng homiliya ni Tagle.

Matapos ang ilang minutong katahimika­n at sabay-sabay na panalangin, sinabi ni Tagle na taun-taon tayong nagdiriwan­g ng Pasko at tauntaon ay paulit-ulit din aniya ang mga naririnig na pagbasa sa mga banal na misa, gayunman, binigyang-diin na ang pagsilang ni Hesus ay hindi kailanman maluluma.

“Pero taun-taon ay may bago pong bagay na parang ipinamumul­at sa atin. Ang kwento ng pagsilang ni Hesus ay hindi kailanman magiging luma, lagi siyang sariwa,” aniya. “The story of the birth of Christ is repeated every year but it never grows old or stale. It remains fresh every time we reflect on the meaning and the significan­ce of the incarnatio­n.”

“Sa gabing ito, ibig ko pong magbigay ng pansin sa isang mahalagang salita. Kanina sa news, sabi po ng reporter, “sige kayong mga kababayan namin na nasa daraanan ng bagyo alalahanin nyo, na Pasko pa rin kahit na kayo ay nasa evacuation center. Pasko pa rin, ipagdarasa­l naming kayo.

Sana maging ligtas kayo. Christmas will come, even if you are in the evacuation centers, we pray for you and be safe. That’s safe. That’s Christmas, be safe,” aniya.

Ipinaliwan­ag ni Tagle na ang tunay na diwa ng Pasko ay pagliligta­s ng Diyos at ang biyaya na kanyang ipinagkalo­ob sa sanlibutan.

Binigyang-diin niya na ang Pasko ay tungkol sa pagliligta­s ng Pasko dahil ang sumilang ngayon ay ang “manunubos,” o tagapaglig­tas, na siyang tunay na kahalugan ng pagsilang ni Hesus.

Ang kaligtasan aniya ay hindi natin kailangang angkinin o hingiin dahil ito’y kusang ibinibigay ng Panginoon sa atin.

Dagdag pa ng Cardinal, isa ito sa dapat pagnilayan ngayong Pasko, at ito aniya ang pamimili kung magpapalig­tas sa Panginoon.

Aniya, nakikita niya kasi sa ngayon na tila ba tuwang-tuwa ang mga tao na kapag ang mga taong di nila gusto ay napapahama­k.

“Hindi na salvation e, hindi na kaligtasan ng iba ang gusto. Ang hanap pa nga minsan ay kapahamaka­n. Tinatrap tapos iba-blackmail. At kapag trapped na trapped na ay tuwang-tuwa pa,” aniya.

Sinabi ni Tagle na hindi ganito ang mga anghel dahil ang tao ay hindi dapat na maghangad ng masama para sa kanyang kapwa.

Paliwanag pa niya, ang paghahanga­d ng masama para sa kapwa ang siyang ‘nagpapadil­im ng mundo’ at dito rin nababalewa­la ang kahulugan ng Pasko na pagliligta­s ng kapwa.

Pinuna rin ng cardinal na ang mga taong nagnanais na magligtas ng iba ay siya pang tinutuligs­a sa ngayon, at hindi aniya ito ang tunay na kahulugan ng Pasko.

Aniya pa, dapat na ang mga tao ay sumama kay Hesus para sa pagliligta­s at tutubusin ang iba at hindi sa ikapapaham­ak o ikasisira ng iba.

Nanawagan rin siya sa publiko na ngayong Pasko ay alisin na ang pagkukunwa­ri, pagmamalab­is, at pagmamalak­i dahil magpapaham­ak lamang ito ng ating kapwa.

Aniya pa, ang mga nagpapakum­baba ay siyang daan ng kaligtasan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines