Balita

Siargao, isa sa best 2020 holiday destinatio­n

-

TULOY-TULOY ang pagkilala sa mga destinasyo­n sa Pilipinas ngayong taon, sa pagkakatao­ng ito kinilala naman ng isang internatio­nal luxury travel magazine na Condé Nast Traveler, ang Siargao bilang pangwalo sa 20 best holiday destinatio­ns para sa 2020.

Inilarawan bilang isang maliit na isla ng Pilipinas, pinuri ng Condé Nast Traveler ang teardrop-shaped tropical island para sa “gnarly surf breaks, including the legendary Cloud 9 barreling wave.”

“Siargao is fringed with pristine beaches, tree frog-green mangrove forests, and sweeping groves of coconut palms, and it’s little wonder tourism here is gathering pace,” paglalaraw­an nina CNT writers Lizzie Pook at Tabitha Joyce.

“Less than a 10th of the size of Bali, the island feels the way the Indonesian hotspot did three decades ago: scooters with surfboard racks ferry people about the streets, convenienc­e stores pour petrol from glass Coca Cola bottles and farmers sell rice – dried on tarpaulins at the side of the main road –at the local market,”dagdag pa rito.

Pinuri rin ang isla para sa iba’t ibang aktibidad na maaaring gawin bukod sa surfing, kabilang ang island-hopping sa mga kalapit nitong islets ng Daku, Guyam, at Naked Island.

“And here at Condé Nast Traveler, we always have one eye on the surf scene (where boarders flock, eco-entreprene­urs, independen­t hotels, and small businesses tend to follow), and we’re predicting that during the next year, a tiny Philippine island will be stealing a cool crowd (whether they surf or not) from Bali,” pahayag pa ng CNT editorial.

Tinalo ng Siargao ang iba pang kilalang pasyalan sa mundo, tulad ng Kyoto, Japan sa rank 20 at Paris, Francena ikasiyam sa listahan.

Noong 2019, kinilala rin ng Condé Nast Traveler ang isla bilang 2018 Top Island in Asia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines