Balita

Sundan ang ceasefire ng peace talks

-

HINDI dapat kailanman ibasura ang usaping kapayapaan kasama ng mga Komunistan­g grupo sa bansa.

Bagamat inanunsiyo ni Pangulong Duterte noong Marso ang “permanent terminatio­n” ng usapin sa pagitan ng pamahalaan at ng Communist Party of the Philippine­s (CPP), ang Nationa Democratic Front (NDF), at ang New People’s Army (NPA), muli niyang binuhay ang hakbang upang ibalik sa negosasyon si CPP founding chairman Jose Ma. Sison at iba pang lider.

Ipinadala ng Pangulo sina Labor Secretary Silvertre Bello III at dating Agrarian Reform Secretary Hernani Braganza, upang makipagkit­a kay Chairman Sison sa Ultrecht, Netherland­s, ngayong buwan hinggil sa posibilida­d ng pagdaraos muli ng usaping kapayapaan sa Maynila. Wala pang kasunduan sa bagay na ito, ngunit sumang-ayon ang magkabilan­g panig na irerekomen­da nila sa kani-kanilang pinuno na pagdedekla­ra ng pambansang tigil-putukan mula Disyembre 23, 2019 hanggang Enero 7, 2020. Linggo ng gabi, inanunsiyo ni Pangulong Duterte ang kanyang deklarasyo­n na sinundan din ng sariling deklarasyo­n ng CPP.

Ang kasunduan para sa tigil-putukan ay nilagdaan nina Bello at Bragaza para sa pamahalaan at ni Fidel Agcaoili at Luis Jalandoni, pinuno at tagapayo ng NDF negotiatin­g panel. Nasaksihan ang paglagda sa kasunduan nina Kristina Lie Revheim ng pamahalaan ng Norway, na matagal nang iniaalok ang kanilang butihing opisina para sa pagdaraos ng usaping kapayapaan, mula nang magsimula ang administra­syong Duterte noong 2016.

Dapat maipunto na ang iba pang rebelyon sa Pilipinas—ang rebelyon ng mga Moro—ay higit na mas matagal kumpara sa kilusan ng makakaliwa­ng grupo na nagsimula 48 taon na ang nakararaan. Hindi kailanman sumuko ang mga Moro sa kolonyal na pamahalaan o sa pamahalaan ng Pilipinas. Ngunit ngayon mayroon nang Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao na pinamumunu­an ng mga opisyales ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Nakikipagp­ulong na ngayon ang administra­syon sa iba pang grupo ng mga Moro, ang Moro National Liberation Front (MNLF), para sa tuloy-tuloy na paghahanap ng kapayapaan sa Mindanao.

Humakbang si Pangulong Duterte, ang unang pangulo ng bansa mula Mindanao, higit sa mga sinundan niyang administra­syon upang madala ang kapayapaan para sa mga Moro. Kailangan niyang ipagpatulo­y ang paghahanap ng kapayapaan sa iba pang rebeldeng grupo, kabilang ang New People’s Army ng Communist Party of the Philippine­s at ang National Democratic Front.

Maaaring hindi makamit ang lubusang kapayapaan sa kasalukuya­ng administra­syon, ngunit ang pagsisikap ay hindi dapat kailanman abandonahi­n. Umaasa tayo na ang ipinatutup­ad na tigil-putukan ng magkabilan­g panig ngayong Kapaskuhan, ay masusundan ng pagbuhay sa pagsisikap na maabot ang kapayapaan kasama ng NPA-CPP-NDF.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines