Balita

Approval rating ni Duterte tumaas

- Bert de Guzman

NAKAKUHA ng mataas na approval rating si Pres. Rodrigo Roa Duterte kung ang paniniwala­an ay ang survey ng Pulse Asia na ginawa noong Disyembre 3-8, 2019. Aprubado ng 87% ng mga Pilipino ang kanyang performanc­e, mas mataas sa 78% na natamo noong Setyembre.

Dahil dito, sinabi ng Malacañang na ang mataas na rating ni Mano Digong ay “repudiatio­n” o pagsopla sa mga kritiko na lagi nang binibira si PRRD. Tiniyak ng Palasyo sa mga mamamayan na ipagpapatu­loy ng Punong Ehekutibo ang mga programa na sinimulan sapul nang siya’y ihalal ng mahigit sa 16 milyong Pinoy noong 2016 election.

Ang trust rating ng Pangulo, ayon sa Pulse Asia survey, ay tumaas din sa 83% mula sa 74 % samantalan­g ang walang tiwala sa kanya ay bumaba sa 6% mula sa dating 9%. Para kay presidenti­al spokesman Salvador Panelo, ang bagong approval rating na 87% ng Pangulo ay pagbalewal­a sa mga kritiko at oposisyon.

Dagdag pa ni Panelo: “They cannot accept that the people are really supporting the President and his programs in government. Only five percent are not satisfied and that includes the opposition, political rivals and enemies of the state.”

Makabubuti sa taumbayan ang deklarasyo­n ng ceasefire o tigil-putukan ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippine­s (CPP), New People’s Army (NPA) at National Democratic Front (NDF) ngayong Kapaskuhan. Inutos din ni PRRD ang reconvenin­g ng government panel na makikipagu­sap ng kapayapaan sa mga rebelde.

Ayon kay Panelo ang tigilputuk­an ay may bisa mula Disyembre 23,2019 hanggang

Enero 7.2020. Inutos ng Pangulo sa defense at interior department­s, military at police na ipatupad ang ceasefire. Una rito, sinabi ng defense department at ng military na hindi sila interesado sa holiday ceasefire sa mga komunista dahil sa nakalipas na mga taon, ginagamit ng mga rebelde ang tigil-putukan para salakayin ang mga tropa ng pamahalaan.

Sabi nga ng kaibigan kong sarkastiko: “Pabagu-bago naman ang isip ng ating Pangulo. Minsan, galit na galit siya sa CPP-NPA sa pagtambang sa mga kawal, pulis at sibilyan. Minumura pa nga niya si Joma Sison. Ilang beses niyang kinansela ang peace talks at idineklara­ng ayaw na niyang makipag-usap. Heto ngayon, gusto niyang ma-resume ang peace talks.”

Alam ba ninyong iginigiit ng Palasyo na posible pa rin ang limang minutong biyahe mula sa Cubao, Quezon City hanggang sa Makati

City. Ayon kay Panelo, hindi komo hindi ito natupad o nangyari sa 2019, hindi na ito matutupad hanggang sa katapusan ng termino ni PDu30.

Badya ni Panelo: “Hanggang may buhay may pag-asa”. Noong Marso, sinabi ng Pangulo na bubuti ang kalagayan ng trapiko sa Metro Manila dahil sa infrastruc­ture projects ng gobyerno. “Bigyan ninyo ako ng hanggang Hunyo, Hulyo o Setyembre. Mula Cubao hanggang Makati, ang biyahe ay limang minuto lang.

Kamakailan lang, sinabi ng Pangulo na isang “purgatoryo” ang trapiko sa EDSA at ilang pangunahin­g lansangan. Surender na raw siya. Sabi nga ni Senior Jogger.”Aminado na ang Presidente na mahirap malutas ang problema sa traffic, eh bakit iba naman ang sinasabi ni Panelo?”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines