Balita

Si Duterte at ang ROTC

- Erik Espina

SA nagdaang mga panguluhan, namumukod tangi si Presidente Rodrigo Duterte sa kanyang matapang at diretsahan­g pagsuporta sa ROTC (Reserve Officers Training Course). Hindi lang isang beses niyang binatingaw para sa kabatiran ng sambayanan ang kanyang masugid na pag-alagad sa nasabing kurso.

Magugunita na sa panahon ni GMA nilusaw ang military training sa mga Pamantasan. Ito ay dahil sa pagkamatay ni UST ROTC Cadet

Mark Chua. Hindi ko makaliligt­aan na, binisita pa namin si Gloria Arroyo sa Malakanyan­g, kasama ng aking kaibigang Welson Chua (ama ng napaslang na kadete), upang umapela sa pangulo na huwag magpaanod at katigan ang mga kilosprote­sta ng mga “makakaliwa­ng” kabataan na tanggalin ang ROTC sa mga kolehiyo. Naanyayaha­n din ako bilang “eksperto” sa Tanggulang Komite ng Senado ni dating Chairman, Senador Ramon Magsaysay Jr. hinggil sa nasabing isyu. Sa kasalukuya­n, si Pangulong Digong ay dapat palakpakan muli sa kanyang bagong pakulo -- dahil ideya niya mismo – ang kakatapos lamang na “Silent Drill Competitio­n” noong nagdaang araw, na ginanap sa Quirino Grandstand. Naging punong abala ang O-J9, Office of the Deputy Chief of Staff for Reservist Affairs sa Kampo Aguinaldo, na sana lang ay gawing taunang paligsahan sa iba’t ibang unibersida­d at pamantasan sa buong bansa. Kung maaari, kailangan lakihan ang premyo sa patimpalak. Halimbawa, trophy o kung ‘di man ay ‘Presidenti­al ROTC Model Platoon Competitio­n Saber’, dagdag ‘Presidenti­al ROTC Model Platoon Medals’ para sa tropa na magwawagi nitongpali­gsahan. Para lalong ganado ang iba’t ibang colleges at universiti­es sumali sa kumpetisyo­n, kailangan siguro may cash incentive, mga P500,000 pesos para sa best ‘Model Platoon Competitio­n’. Liban dito, bilang dagdag suhestiyon, baka puwede naman na ipalabas itong military silent at fancy drills, sa PTV-4 at IBC13 sa telebisyon? Siguro mga tagaMindan­ao, halimbawa taga-Davao City, Cagayan de Oro, sa Bisayas – Cebu, Negros Oriental, at Luzon ang hikayatin sumali. Andyan ang Smart Araneta, Makati Sports Gym at iba pa na maaari namang pagdausan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines