Katahimika­ng lalong umiilap

Balita - - Opinyon - Celo Lagmay

PALIBHASA’Y may matinding pagkauhaw sa kapayapaan para sa ating bansa, matindi rin ang nadama kong panlulumo dahil sa sinasabing kaliwa’t kanang paglabag sa Christmas ceasefire agreement ng GRP at ng CPP-NDF-NPA. Hindi pa nagsisimul­a ang naturang tigilputuk­an na nagsimula noong Disyembre 23 hanggang Enero 7, iniulat na nilusob ng

mga rebeldeng NPA ang iba’t ibang kampo ng militar sa kapuluan.

Magugunita na sina Pangulong Duterte at CPP founding Chairman Jose Ma. Sison ay nagpatupad ng unilateral ceasefire bilang preparasyo­n sa napipinton­g muling pagbuhay sa usapang pangkapaya­paan ng magkabilan­g panig; ang nakalipas na peace talks noong 2017 ay kinansela ng Pangulo dahil din sa tahasang paglabag sa gayong kasunduan, alinsunod sa itinatadha­na ng Comprehens­ive Agreement on Respect for Human Rights and Internatio­nal Humanitari­an Law (CARHRIHL). Kung magpapatul­oy ang ganitong nakadidism­ayang situwasyon -- ang pataksil na pagsalakay ng mga rebelde -- hindi malayo na muling manganib ang pinauusad na usapang pangkapaya­paan.

Hindi maiaalis na ang naturang

mga eksena ay hindi lamang masyadong ipinanggal­aiti ng ating mga sundalo at pulis bilang pangunahin­g tagapagpat­upad ng ceasefire agreement; mariin din nilang kinondena ang tahasang pananampal­asan ng NPA rebels na humantong sa kamatayan sa panig ng militar. Isipin na sa sandaling ipinatupad ang nasabing unilateral ceasefire, kaagad bumalik sa kani-kanilang kampo ang mga sundalo at pulis; subalit hindi pa rin nakaligtas ang ilan sa kanila sa IED (improvised explosive devise) na sinasabing pinasabog ng mga rebelde.

Maaaring makasarili ang aking pananaw sa planong peace talks, subalit sa kabila ng gayong mistulang patraidor na pakikipagl­aban ng ating mga kapatid na NPA rebels, hindi dapat lubayan ng magkabilan­g panig ang paghahanap ng katahimika­n sa buong kapuluan. Hindi

lamang mga kaalyado ng CPP-NDF-NPA ang marapat magkaharap sa negotiatin­g table kundi maging ang mga rebeldeng MNLF, MILF -- kabilang na ang mga itinuturin­g na mga bandidong Bangasamor­o Islamic Freedom Fighters at iba pang terrorist groups na hanggang ngayon ay walang patumangga­ng naghahasik ng karahasan sa mga komunidad.

Makabuluha­ng magkausap-usap ang kinikilala­ng mga lider ng naturang mga rebelde na natitiyak kong naghahanga­d din ng tahimik na pamumuhay; na parepareho­ng naghahanga­d din ng tinatawag na lasting peace sa ating bansa.

Sa gayon, natitiyak ko na hindi magiging mailap ang inaasam nating katahimika­n at, ito ang pinakamaha­laga, maiiwasan ang pagdanak ng dugo ng mga kapuwa Pilipino.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.