Balita

Senior citizen, 3 pa huli sa pagsusugal

- Bella Gamotea

Sa kulungan nagdiwang ng Pasko ang apat na lalaki matapos mahuli umano sa aktong nagsusugal sa magkakahiw­alay na insidente sa Pasay City, kamakailan.

Kinilala ang mga suspek na sina Alberto Soriano, 48, may asawa, at taga-1918 Tramo Street, Bgy. 57, Pasay City; Edmond Ebon, 23, taga-701 Zone 77, Leveriza, Maynila; Erwin Acosta, 60, may asawa, aircon technician, taga14th-15th St., Bgy. 183 Villamor, Pasay City at Jes Ran, 31, binata, vendor, at taga-15th-16th St., Bgy. 183 Villamor sa nasabing lungsod.

Sa ulat ni Pasay City Police chief, Colonel Bernard Yang, nagkasa ng anti-criminalit­y operation ang kanyang mga tauhan sa pangunguna nina S/ Sg Jose Baldoza Jr at Cpl Ryan Zafra, sa Jockian St., Bgy. 57, dakong 1:30 ng umaga nitong bisperas ng Pasko.

Namataan ng awtoridad ang umpukan ng isang grupo ng lalaki na nagsusugal ng cara y cruz sa kalye hanggang sa nagtakbuha­n ang mga ito sa magkakahiw­alay na direksiyon subalit minalas na masakote sina Soriano at Ebon.

Narekober sa mga suspek ang P240 na umano’y bet money/pusta at tatlong pirasong 25 coins na pangkara.

Kalaboso din ang inabot nina Acosta at Ran nang maaresto sa 15th-16th St., Bgy. 183 sa ikinasang Oplan Galugad ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) Villamor,bandnag 1:40 ng hapon.

Narekober sa mga suspek ang P490 pusta at tatlong pirasong P1.00 coin na ‘pangara’ sa naturang sugal.

Agad itinurn-over ang apat na suspek sa tanggapan ng Station Investigat­ion and Detective Management Branch (SIDMB) para sa kaukulang imbestigas­yon at pagsasampa ng kasong paglabag sa Presidenti­al Decree 1602 (Illegal Gambling Act) laban sa mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines