Balita

Diliman swimmer, nanguna sa MOS awardee ng PSL

-

PINANGUNAH­AN nina Diliman Preparator­y School standouts Richaile Charlotte Telebangco at Sophia Rose Garra sa mga Most Outstandin­g Swimmer (MOS) awardees sa katatapos na 167th Philippine Swimming League (PSL) National Series – PSL Christmas Cracker sa Diliman Preparator­y School swimming pool sa Quezon City.

Nakamit ni Telebangco ang 100 puntos para angkinin ang MOS trophy sa girls’ 11-year category, habang kumabig rin ng 100 puntos si Garra sa girls’ 7-year class.

Naagwagi rin ng MOS sina Britney Brook Mendoza ng Bosay (girls’ 6-under), Triza Haileyana Tabamo ng Tarlac City Waves (girls’ 12-year), Akina Bautista ng Levithian Swim Club (girls’ 9-year) at Elize Kamilah Cahigan ng Umih Swimming Club (girls’ 8-year).

Umarangkad­a rin sina San Carlos

City Searingans bets na sina Charlice Yrielle Blanco (girls’ 10-year), Saira Althea Rasco (girls’ 13-year) at Shelesly Pantaleon (girls’ 14-year) sa torneong nilahukan ng mahigit 200 atleta.

“We are so proud of these young swimmers. After this competitio­n, we are now selecting swimmers for internatio­nal tournament­s. We are happy that we have spotted a lot of talented swimmers in this edition,” pahayag ni PSL president Alexandre Papa.

Pinaghahan­daan ng PSL ang pagsabak sa malalaking internatio­nal tournament­s sa susunod na taon kabilang na ang 2020 Japan AgeGroup Swimming Championsh­ip sa Tokyo sa Marso.

“We want to identify swimmers as early as possible to prepare them for internatio­nal competitio­ns next year. We want to ensure that they are all ready and capable of winning medals,” ayon kay Papa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines