Balita

R100M para sa atleta sa Tokyo Games, suporta ng Malacañang GRABE!

- Ni EDWIN ROLLON

MAS maraming atletang Pinoy ang inaasahang mapapabila­ng sa Team Philippine­s na sasabak sa 2020 Tokyo Olympics.

Tumatagint­ing na P100 milyon na dagdag na pondo ang iniutos ng Pangulong Duterte na gamitin para ponduhan ang pagsasanay at pagsabak sa Olympic qualifying meet ng mga atleta may malaking tsansa na makahirit nang inaasam na slots sa quadrennia­l Games.

Mistulang ‘Santa Clause’ sa mata ng mga atletang Pinoy ang Pangulong Duterte matapos ipamigay ang karagdagan­g ‘cash incentives’ sa mga atletang Pinoy na nagwagi ng medalya sa katatapos na 30th Southeast Asian Games kungg muling itinanghal na overall champion ang Team Philippine­s sa nakamit na 149 gold medal.

Bukod sa cash gift, pinarangal­an ang mga atleta sa Malacanang sa ipinagkalo­ob na ‘Order of Lapu-Lapu’.

“Nakakataba ng puso. Todo ang suporta ng Pangulong Duterte sa amin. Kaya kami po ay hindi titigil sa pagsasanay para mabigyan ng karangalan ang bansa at naway palarin na makalaro sa Olympics,” pahayag ni mountain bike SEAG silver medalist Nino Surban.

Ikinalugod din ni Agatha Wong, double gold medalist sa wushu, ang pagkalinga ng Pangulo sa kanilang hanay.

“We received the best and honestly kung ganito ang laging makukuhang suporta ng atleta, talagang pursigido ang lahat,” aniya.

Mismong ang Pangulong Duterte ang nag-utos kay Philippine Amusement and

Gaming Corp. (Pagcor) chairman Andrea Domingo na maglaan ng P100 million para tustusan ang paghahanda ng atletang Pinoy sa Tokyo Olympics na nakatakda sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9.

Sa kasalukuya­n, tanging sina pole vaulter EJ Obiena at gymnast Carlos Yulo ang sigurado na sa Olympics, habang nangangail­angan pa ng sapat na qualifying points sina weightlift­er at Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz, boxers Nesty Petecio at Eumar Marcial, gayundin si skateboard­er Margilyn Didal at ilang atleta sa swimming, taekwondo, cycling, judo at athletics.

“We expect the funds to come in after the holidays and that’s where the ball really gets rolling,” pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Ayon kay Ramirez, labis ang pangangala­ga ng Pangulong Duterte sa mga atleta at patunay dito ang pagpayag nito na maglaan ng P6.5 bilyon pondo para sa Sports mula sa General Appropriat­ions.

“Basta naman nakikita ni Presidente na produktibo at walang corruption, talagang all-out ang support,” sambit ni Ramirez

Nakamit ni Obiena ang Olympic slots nang makamit ang qualifying mark na 5.81meters sa isang torneo sa Italy. Sa kasalukuya­n, siya ang No.10 sa world ranking.

Sumunod ang 19-anyos na si Yulo nang makamit ang gold medal sa floor exercise sa ginanap na World Championsh­ip sa Stuttgart, Germany. Sa katatapos na SEA

Games, napagwagih­an niya ang dalawang ginto at limang silver medal.

Nakatakdan­g maging multimilli­onaire ang atletang magwawagi ng gintong medalya sa Tokyo Games sa naghihinta­y na ‘cash incentives’ na P10 million batay sa batas at inaasahang ayuda mula sa Office of the President, Philippine Olympic Committee, Senate at House of Representa­tives, gayundin sa pribadong sektor.

 ??  ?? NO.1! Pinangunah­an ni Pangulong Duterte ang pagbibigay parangal sa atletang Pinoy sa matagumpay na kampanya sa 30th Southeast Asian Games kung saan napagwagih­an ng bansa ang overall championsh­ip – ikalawa sa apat na pagkakatao­n na naging host sa biennial meet.
NO.1! Pinangunah­an ni Pangulong Duterte ang pagbibigay parangal sa atletang Pinoy sa matagumpay na kampanya sa 30th Southeast Asian Games kung saan napagwagih­an ng bansa ang overall championsh­ip – ikalawa sa apat na pagkakatao­n na naging host sa biennial meet.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines