Binata, tinutugis sa pagnanakaw

Balita - - Showbiz Atbp. - Light A. Nolasco

GAPAN CITY – Pinaghahan­ap ngayon ng pulisya ang isang binata matapos umanong pagnakawan ang isang cellphone store sa Barangay San Vicente sa nasabing bayan, kamakailan.

Kinilala ng Gapan City Police ang suspek na si Jessie Casile, taga-Bgy. Bangad, Cabanatuan City.

Si Casile ay inireklamo ng branch manager ng K Servico trading na si

Connie Deliquiano, matapos mahagip sa closed-circuit television camera ang pagtangay nito sa 28 na cellular phone na nagkakahal­aga ng P431,000 sa naturang establisim­yento.

Sa imbestigas­yon ng pulisya, nabigo si Casile na mabuksan ang safety vault ng establisim­yento kaya tinangay na lamang nito ang naturang mga gadget.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.