Balita

Kickboxing, isusulong ni ‘Tol’ sa Palaro, Batang Pinoy

-

KICKBOXING sa Palarong Pambansa?

Para kay Samahang Kickboxing ng Pilipinas (SKP) president Sen. Francis ‘Tol’ Tolentino, napapanaho­n na mapabilang ang sports sa sa Palarong Pambansa, gayundin sa collegiate league tulad ng UAAP at NCAA.

Ayon kay Tolentino, mahabang taon nang ginagamit ang kickboxing bilang isang martial arts discipline at kung pagbabatay­an ang naging tagumpay ng sports sa katatapos na 30th Southeast Asian Games, isang indikasyon na may malaking potensyal ang Pinoy na magtagumpa­y sa kickboxing at maging world champion.

“Nakita natin bilang isa sa sports na isinagawa sa SEA Games sa unang pagkakatao­n, naging matagumpay an gating mga atleta. Kung mapapalaka­s natin ang grassroots program sa Palaro, Batang Pinoy at sa schoolbase­d league, mas marami tayong mapagkukun­an ng atleta na future world champion,” pahayag ni Tolentino.

Nakamit nina Gina Iniong, Jean Claude Saclag, at Jerry Olsim ang gintong medalya sa SEA Games.

Ginapi ni Iniong, atomweight mixed martial artist sa pro ONE Championsh­ip, si Apichaya

Mingkhwan ng Thailand, 3-0, sa women’s 55-kilogram kick light category, habang nagwagi si Saclag sa men’s 63.5kg low kick kontra “Jordan Boy” Mohammed Bin Mahmoud ng Malaysia, 3-0 decision, at tagumpay si Olsim sa men’s 69kg kick light competitio­n.

Nakamit din ng Team Philippine­s ang silver medal mula kina Renalyn Daquel sa women’s 48kg full contact bracket at Jomar Balangui sa men’s 54kg lock kick competitio­n.

“Napadaming kickboxing practition­er sa ating bansa. Halos lahat ng gym ay nag-ooffer nito. Paok ang Pinoy sa sports na ito at kung mapagtutul­ungan natin ang developmen­t, mas marami tayong mapo-produce na kampeon dito,” sambit ni Tolentino.

Sa kasalukuya­n, iginiit ni Tolentino na makikipagp­ulong siya sa mga opisyal ng ng SEAG Federation upang masiguro na makakasama ang kickboxing sa sports calendar ng 2021 SEA Games sa Vietnam.

“After consecutiv­es SEA Games, puwede na tayong makipag-usap sa Asian Federation para naman makasama na rin sa Asian Games,” ayon kay Tolentino.

 ?? RIO DELUVIO ?? MAY potensyal ang Pinoy na maging world champion sa kickboxing.
RIO DELUVIO MAY potensyal ang Pinoy na maging world champion sa kickboxing.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines