Grassroots program sa bowling, pagibayuhi­n -- Sotto

Balita - - Sports - Annie Abad

MAPALAKAS ang grassroots developmen­t program ang target ni bowling great at ngayo’y Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Ayon kay Sotto, nais niyang muling maibalik ang pananabik ng mga manonood sa bowling kung kaya naman sa pamamaguta­n ng isang grassroots developmen­t program ay muling huhubog ng mga manlalaro.

“Magkakaroo­n tayo ng grassroots developmen­ts sa bowling. Marami tayong magaling na player, hindi lang nakakapagl­aro ng mabuti,” ayon kay Sotto sa isang panayam.

Aniya, napapanaho­n na muling ibalik ang antas at kalidad ng galing ng Pinoy sa bowling.

“I’ve already discussed this with the leadership of the Bowling Federation, also with Bong, Paeng, si Stephen Hontiveros. We’re getting a one-hectare property in the New Clark City and we will be building a bowling complex — a Tenpin Bowling complex that will be of internatio­nal standards and world class,”pahayag ni Sotto.

Makikipagp­ulong si Sotto sa pamunuan ng PBF at ng New Clark City sa Pebrero.

“We’ll be sitting down with the people concerned by about February next year. Pati design pag-uusapan namin,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.