Walang ‘pork’ sa 2020 budget?

Balita - - Pangunahin­g pahina - Bert de Guzman

Tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano kay Pangulong Rodrigo Duterte na walang pork barrel na nakasingit sa pinagtibay na P4.1 trilyong national budget para sa 2020.

Ayon sa Speaker, talagang walang pork sa pambansang budget alinsunod na desisyon ng Supreme Court hinggil sa Priority Developmen­t Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.

Aniya, lahat ng proyekto ay maaaring mabahiran ng kurapsiyon. “The question is: are there projects inherently open to corruption like lump sums under the discretion of lawmakers who can tell agencies there to use them”? wika ni Cayetano.

Naniniwala naman si Sen. Panfilo Lacson na may pork barrel pa rin ang pambansang budget na isiningit ng mga kongresist­a. Itinanggi ito ng mga kasapi ng Kamara.

Samantala, sinabi ni Deputy Speaker at Camarines Sur Rep. LRay Villafuert­e na nakasisigu­ro siyang ang pinagtibay na P4.1 trilyong pambansang budget ay makatutulo­ng nang malaki sa pagsikad ng eonomiya ng Pilipinas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.