Balita

15 PATAY KAY ‘URSULA’

- Nina TARA YAP at ELLALYN DE VERA-RUIZ

Aabot na sa 14 ang naiulat na nasawi sa pagtama ng bagyong ‘Ursula’ sa Panay Island at isa iba pang bahagi ng Visayas Region, sa Araw ng Pasko.

Ito ang kinumpirma ng Western Visayas Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC).

Sa naturang bilang, anim ang naitala sa northern Iloilo province, kabilang sina Danilo Abendanio, 62; Henry “Dodok” Alfuente, 56, at 30-year-old na si Joemar Dela Cruz, taga-Balasan.

Ang tatlo pang nasawi ay pawang miyembro ng De Asis family sa Batad. Kabilang sa kanila sina Roel,41, at dalawang anak – Meme, 15 at Yanyan.

Ang dalawa pang nasawi ay naitala sa Capiz kung saan nakilala ang mga ito na sina Merlinda Delatina Baquilar, 53, taga-Pontevedra at Edward Gautani, 12, taga-President Roxas.

“It was a sad Christmas. There were casualties and the damage is extensive,” pahayag ni Jose Roberto Nuñez, regional director for Western Visayas ng Office of Civil Defense (OCD).

Inihayag naman ni executive director ng Iloilo Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council executive director Jerry Bionat na nasa 12 pa ang naiulat na nawawala sa kasagsagan ng bagyo.

Sa Tacloban City, pinadapa rin ng bagyo ang bahay ng tinatayang bot sa 18,440 indibidwal o 5,036 pamilya sa Eastern Visayas, nitong Christmas eve.

Kinumpirma naman ng Office of the Civil Defense na nasa tatlo ang nasawi sa Southern Leyte, Leyte at Biliran.

Dalawa rin ang nailat na nasawi sa Eastern Samar, ayon kay Governor Ben Evardone.

Kabilang sa mga nasawi sina Carlos Beltran, 70, taga-Bgy. 3, Balangkaya­n na nalunod matapos lamunin ng storm surge ang bahay nito.

Hindi pa rin nakikilala ang isa pang bangkay na natagpuan sa Guiuan.

Apat namang mangingisd­ang taga-Borongan City ang naiulat na nawawala sa kasagsagan ng bagyo.

Nakilala ang mga ito na sina Clyde Lustre, 52; Danilo Banezar, Artemio Ybanez, 55; at Fiel Fabiliran.

Sa pahayag ng isa sa survivors na si Christian, pumalaot sila nitong Disyembre 18 at tinawagan sila ng may-ari ng bangka upang pabalikin dahil sa banta ng bagyo.

Habang pabalik aniya sila ay bigla na lamang humampas sa kanila ang malalaking alon na sumira sa sinasakyan­g bangka.

Naiulat naman na binawian naman ng buhay ang isang 13-anyos na lalaki matapos na makuryente habang naghihinta­y ng validation ng Department of Health.

Isa ang naitalang nasawi sa Kananga, Leyte at ito ay nakilalang si Ramil Rosal, taga-Bgy. Tugbong ng nasabing bayan.

Naitalang nawawala naman si Rix Jhun Rosal, 18, taga-nasabi ring lugar.

Inaasahan naman ng Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA) na lalabas na ang bagyo sa Pilipinas, ngayong araw o sa Sabado.

Ito ay nang huling mamataan ang bagyo sa West Philippine Sea patungong Vietnam, kahapon

Huling namataan ang bagyo sa layong 235 kilometers (km) northwest ng Coron, Palawan.

Bahagya na itong humina dahil taglay na lamang nito ang hanging 120 kilometers per hour (kph) at bugsong hanggang 150 kph.

Patuloy na kumikilos ang bagyo patungong Kanluran-Hilagang kanluran sa bilils na 15 kph.

Ngayong araw, inaasahan naman ni weather specialist Raymond Ordinario, ng PAGASA, ang bagyo ay inaasahang nasa layong 410 km west-southwest ng Subic, Zambales, at sa bukas (Sabado), ito ay inaasahang mamataan sa layong 680 km west of Subic, Zambales o labas na ng bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines