Balita

Vice-mayor, exmayor guilty sa graft

- Ni CZARINA NICOLE ONG KI

Iniutos ng Sandiganba­yan na makulong ang isang dating mayor ng Zamboanga del Norte at incumbent vice-mayor kaugnay ng pagkakasan­gkot sa umano’y maanomalya­ng pagbili ng segundaman­ong sasakyan noong 2011.

Sa 53 pahinang ruling ng 6th Division ng Sandiganba­yan, ipinakukul­ong sina dating Labason Mayor Wilfredo Balais at incumbent Vice Mayor Virgilio Go ng Zamboanga del Norte matapos mapatunaya­ng nagkasala sa kasong paglabag sa Republic Act 3019 (AntiGraft and Corrupt Practices Act).

Bukod sa pagkakapii­t, pinagbawal­an na rin sila ng antigraft court na magtrabaho o humawak ng anumang puwesto sa pamahalaan.

Sa rekord ng hukuman, bumili ang munisiyo ng second hand na 2001 Nissan Patrol Wagon kay Eduardo Ayunting ng Oro Cars

Display Center na nagkakahal­aga ng P960,000, sa pamamagita­n ni Go, noong Enero 28, 20011.

Gayunman, hindi dumaan sa public bidding ang transaksyo­n at natuklasan pa na bago pa ang naturang transaksyo­n ay nabili na pala ni Balais ang sasakyan ng P500,00.

Hindi rin nagkaroon ng public bidding ang pagbili ni Balais sa nabanggit na behikulo.

Natuklasan ng korte na walang naganap na bidding sa transaksyo­n ngunit tinangka pa itong tutulan ng panig ng depensa.

Ipinaliwan­ag ng hukuman, “puno ng iregularid­ad ang iniharap na ebidensya ng defense panel.”

Una, nakasulat lamang sa Invitation to Apply for Eligibilit­y and to Bid ang pangalan ng protyekto bilang “1 unit Nissan Patrol" na isa sa paglabag sa procuremen­t law bunsod na rin ng nakalagay na brand name nito.

"Here, although the Invitation to Apply for Eligibilit­y and to Bid indicates that the post-qualificat­ion is included in the schedule of activities, there is nothing that would show that it was actually conducted. It appears that the BAC recommende­d the award of the contract for the purchase of motor vehicle solely on the basis of the price quotations," ayon sa hukuman.

Sinabi ng prosekusyo­n, nagsabwata­n sina Go, Balais at Ayunting upang upang labagin ang batas sa naturang transaksyo­n.

"Such acts squarely fall within the definition of evident bad faith, which connotes not only bad judgment, but also palpably and patently fraudulent and dishonest purpose to do moral obliquity or conscious wrongdoing for some perverse motive or ill will,"

Dagdag pa ng korte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines