Balita

Maja Salvador, bet na bet ang JoshNella

- Maja Reggee Bonoan

SA ilang gabing wala kaming lakad ay natutukan namin ang mga programang FPJ’s Ang Probinsyan­o, Starla at The Killer Bride.

Kaya naman pala maraming fans sina Joshua Garcia at

Janella Salvador ay may kilig ang tandem nila, huh? Bagay silang loveteam kaya pala sa panayam namin kay

Maja Salvador sa ginanap na Thanksgivi­ng presscon ng The Killer Bride noong Disyembre 14 ay nabanggit niyang, “I’m rooting for them” na ibig sabihin ay gusto niya ang dalawa at tinutukso niya talaga.

Nang i-post namin sa Youtube ang pahayag na ito ni Maja ay umabot sa mahigit 11k ang may gusto at iisa ang comment, ‘Me too! I’m rooting for them JoshNella.’

At kaya pala nabanggit din ito ng aktres ay dahil nakita niyang madalas magkuwentu­han sina Josh at Janella kapag break time at wala siyang nakitang ilangan na ibig sabihin ay naka-move on na ang aktor sa paghihiwal­ay nila ng ex-girlfriend niyang si Julia Barretto.

Biro nga ni Maja, “Oo naka-move on na, kayo (media) na lang ang hindi nakaka-move on, tanong kayo ng tanong (nagkatawan­an ang lahat) ibig sabihin kayo ang hindi maka-move on.”

Tinanong namin kung hindi ba type ni Joshua si Janella?

“I’m rooting for them (sabay tawa). Pero sobrang close nu’ng dalawa! ‘Yun ‘yung masaya at natutuwa ako sa kanila kasi walang pressure. ‘Yung ibang love teams kasi di ba, minsan napi-pressure, so parang napipilit or what pero sa kanila (JoshNella) like LizQuen and KathNiel, very organic (o) natural lang,” ani Maja.

May sitsit na may dumadalaw kay Janella sa location ng The Killer Bride sa Lucban, Quezon.

“Sino? Hindi ko naman nakita? O baka hindi niya pinakita kasi naka-Camila mode ako,” nakangitin­g sagot ng aktres.

At bilang tiyahin ni Janella ay boto ba siya sa nababalita­ng boyfriend ng dalaga na si Marcus Patterson.

“Huh? Bakit ako may tanong na ganyan? Ako kung saan masaya ang lahat, ‘di ba? Sino ba tayo (para humadlang)?” say ni Maja.

Samantala, ang dami-daming rebelasyon na ng TKB

dahil nalaman na nitong Miyerkules, Disyembre 25, kung sino ang dahilan kung bakit napagbinta­ngan at nakulong si Camila -- si Matias (Manuel Chua) na ama ni Elias (Joshua).

 ??  ??
 ??  ?? Janella at Joshua
Janella at Joshua
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines