R11 jeep fare, ihihirit

Balita - - Pangunahin­g pahina - Beth Camia

Pagpasok ng Enero 2020, ihihirit ng ilang transport group ang dagdag na minimum sa pamasahe sa jeepney sa unang apat na kilometro.

Ito ay mula sa minimum na P9 ay magiging P11 na.

Idinahilan ni Pasang Masda president na si Obet Martin, ibinatay nila ito sa pagtataas ng P1.50 kada litro ng presyo ng krudo sa Enero 1 bunsod ng tax reform law.

Masyado aniyang mabigat sa bulsa ng mga tsuper ang naturang pagtataas sa maliit na kinikita sa 16 oras na pagpasada.

“Kung puwedeng magpasensi­ya, kung puwedeng magtiis sa kauntingka­unting kinikita, may maiuwi lamang, nagtitiis kami. Pero itong klaseng ito, hindi na po kaya,” sabi naman ni Federation of Jeepney Operators and Drivers Associatio­n of the Philippine­s (Fejodap) president Zeny Maranan.

Sinabi rin nito, maaaring pumalo sa P12 ang hirit na minimum fare kung sakaling aabot sa P49 ang kada litro ng diesel.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.