2,000 illegal aliens, naaresto ng BI

Balita - - News - Jun Ramirez

Sinabi kahapon ng Bureau of Immigratio­n (BI) na naaresto nito ang mahigit 2,000 illegal aliens ngayong taon bunga ng pinaigting na kampanya laban sa mga banyaga na lumalabag sa immigratio­n laws ng bansa.

Sinabi ni BI Commission­er Jaime Morente na simula Enero ay kabuuang 1,836 illegal aliens ang naaresto sa iba’t ibang operasyon na isinagawa sa buong bansa, karamihan ay sa Metro Manila, ng mga ahente ng intelligen­ce division ng bureau, habang 421 dayuhang pugante ang naaresto ng fugitive search unit (FSU) sa nasabing panahon.

Isiniwalat ni BI acting intelligen­ce chief Fortunato Manahan Jr. na karamihan ng mga naaresto ay Chinese nationals na nahuling ilegal na nananatili at nagtatraba­ho sa bansa, karamihan sa kanila ay sangkot sa cyber fraud activities at unauthoriz­ed online gaming operations.

Kabilang sa listahan ang mahigit 500 illegal Chinese workers na naaresto sa Pasay City nitong Oktubre at mahigit 300 sa kanilang mga kababayan ay nadakma sa iba’t ibang establisim­yento sa Puerto Princesa City, Palawan noong Setyembre.

Binanggit din ni Manahan na ito ay abalang taon para sa BI agents na nakatalaga sa Katimugan dahil mas maraming naarestong ilegal aliens sa Mindanao ngayong 2019 kaysa mga nakalipas na taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.