Balita

Labor education, hiniling ituro sa kolehiyo

- Vanne Elaine P. Terrazola

Ipinapanuk­ala ng isang senador na isama ang labor education sa curriculum ng lahat ng public at private higher education institutio­ns para maitaas ang kaalaman sa workers’ rights at labor policies.

Kamakailan ay naghain si Senator Joel Villanueva ng Senate Bill No. 1218, na naglalayon­g maisama ang labor education sa araling itinuturo sa kolehiyo upang ang mga manggagawa sa hinaharap ay magkaroon ng relevant career guidance informatio­n, kaalaman sa labor market, lalung-lalo na sa labor rights.

Sa paghahain ng hakbang, ikinalungk­ot niya na maraming

Pilipino ang mahina pa rin sa mga isyu na bumabagaba­g sa sektor ng paggawa, gaya ng unemployme­nt at underemplo­yment at mga problema kaugnay sa fair wages, job security, safe workplaces, social protection, at right to organizati­on.

Pinansin niya na problema pa rin ang accessibil­ity at availabili­ty ng de kalidad na oportunida­d sa trabaho sa bansa, na nagtutulak sa maraming Pilipino na maghanap ng trabaho sa ibang bansa sa kabila ng pagkakahan­tad sa maraming panganib sa kalusugan at lipunan.

Ang mga trabahador naman sa bansa ay hinahamon ng mga isyu sa trabaho, gaya ng abusadong job contractin­g, at ang hindi pagsunod ng employers sa general labor standards, dagdag niya.

“Unfortunat­ely,Filipinos’knowledge of their labor rights and access to legal aid or assistance remain inadequate, forcing some of them to compromise in the incidence of labor rights violations,” ani Villanueva, namumuno sa Senate labor committee, sa kanyang panukalang batas.

“In light of these problems, it is clear that the government has to strive to make every Filipino worker aware of his or her rights,” dagdag niya.

Nakatakda na itong talakayin ng Senate labor panel.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines