Balita

Pagkain at inuming walang FDA license ‘wag isyuhan ng permit

- Mary Ann Santiago

Nananawaga­n ang pamunuan ng Food and Drugs Administra­tion (FDA) sa local government units (LGUs) na huwag pagkalooba­n ng business permits ang mga manufactur­er ng pagkain at inumin na walang license to operate (LTO) mula sa kanilang ahensiya.

Ginawa ni FDA Officer-In-Charge (OIC) Dr. Eric Domingo ang panawagan kasunod ng pagkalason ng daan-daang residente ng Rizal at Laguna, mula sa ininom na lambanog, na nagresulta rin sa pagkamatay ng 15 indibidwal.

Ayon kay Domingo, layunin nitong matiyak na tanging mga rehistrado­ng pagkain at inumin lamang ang maipagbibi­li sa merkado, para na rin sa kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan.

“Ito talaga yung pinakikius­ap natin sa local government units natin. Meron tayong mga municipali­ties, cities, at saka mga probinsya na talagang meron silang mga ordinansa na nakasaad na pag ikaw ay manufactur­er ng pagkain o inumin, kailangan kumuha muna ng license to operate sa FDA bago sila bigyan ng business permit. Pero meron pa kasing ibang LGUs na hindi. Nagbibigay sila ng mayor’s permit or business permit even for manufactur­ers ng food or drinks na hindi registered sa FDA at wala silang license to operate,” ani Domingo, tagapagsal­ita rin ng Department of Health (DoH).

Naniniwala si Domingo na mahalaga ang naturang isyu lalo na sa mga produktong high risk dahil nakataya rito ang kalusugan at buhay ng mga tao.

“So ito talaga, we feel it’s very important. Lalo na sa mga products na medyo high risk. May mga products kasi na lower risk naman [katulad ng mga karamihan na mga pagkain for example] pero itong alcoholic beverages lalo na kung talagang gagawin mo sa backyard tapos hindi controlled yung setup, tapos yung process ay hindi standard, then meron syang potential na maging cause ng pag-produce nga ng methanol, which is very acutely poisonous and can lead to death,” paliwanag pa niya. “So ito sana, mas konting ingat sana tayo sa pagbibigay ng mayor’s permit sa mga ganito.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines